Chapter 43

2382 Words

Hindi ko alam kung ilang minuto muna akong nanatili roon hanggang sa muli akong bumalik sa wisyo ko. Nang nagkaroon ako ng lakas ng loob ay tsaka lang ako tumayo at nakisali sa mga kaibigan. "Cheska!" tawag sa akin ni Milan. Naliligo silang lahat sa swimming pool at mukhang nagkakatuwaan nang dumating ako roon. Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Tristan na nakaupo sa gather ng swimming pool katabi si Francine. Kumaway lang naman ako sa mga kaibigan ko at kumuha ng beer na nasa cooler. Binuksan ko 'yon at agad na ininom dahil hindi pa rin ako maka-move on sa halikan namin kanina ni Tristan. "Maligo ka muna! Mamaya pa naman tayo pupunta kila Gilbert," pag-aaya sa akin ni Milan. "Oo nga, Cheska. Pasasayahin ka namin dito!" pasigaw na sabi ni Jake sa malayo. "Okay kana ba?" si Riva na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD