Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak habang paalis doon. Hinding-hindi ko matatanggap bilang pamilya ang Veronica at Vanessa na 'yon! Hinding-hindi ko rin matatanggap na pakakasalan ni Daddy ang babae na 'yon kahit sabihin pa niyang para sa akin ang ginagawa niya. Nanlalabo ang mga mata ko habang nagdadrive pauwi. Gustuhin ko mang umalis ngayon ay hindi o naman alam kung saan ako pupunta kaya sa bahay na lang ako nagtungo. Pinapakalma ko pa rin ang sarili ko dahil naatakot ako na baka may mangyari sa aking hindi maganda kapag nagpadala ako sa emosyon ko. Nang makarating ako sa village namin ay tsaka ko lang 'yon binilisan dahil wala naman akong sasakyan na nakikita. Hanggang ngayon ay abot pa rin ang tulo ng luha ko. I just can't! I just can't accept it! Dalawang busina ang ginaw