Sa likod bahay nalang ako tatambay, itutuloy ko na lang ulit yung pinagpa-practice-an kong painting ni Mommy.
I feel fresh again today, syempre nakapaglinis na ako ng katawan. Hindi naman ako sasali sa dalawa, magpapapansin na naman 'yon sa mga boys lalo na si Milan! Akala mo babae kung maka-harot. Ito namang si Riva feeling may pag-asa kay James e hindi nga rin siya pinapansin. Ayoko pa namang harutin si Tristan dahil masyado namang mabilis.
Alam ko naman ang tingin nila sa amin, para lang nila kaming kapatid katulad ng turing sa amin ni Kuya Rafael. Pero wala akong pakialam doon, basta ay gusto ko talaga si Trisran kahit mas matanda pa siya sa akin.
Tinuloy ko na ang nasimulan kong painting, kaonting linis na lang 'yon at sa tingin ko mape-perfect ko na ang mukha ni Mommy.
"Ma'am Cheska, hinahanap ka po nila Ma'am Riva." sabi ng katulong namin nang dalhin ang meryenda ko.
"Sabihin mo may ginagawa ako," sagot ko.
"Tumango naman ang kasambahay namin at umalis na. Habang nag-iisip ng idadagdag ko sa painting ko ay nilantakan ko na ang meryenda ko.
"Tristan ano ba!"
Napabaling ako sa gilid, kung saan ko narinig ang boses ng babae. Mahina 'yon pero sapat naman upang marinig ko.
"Sinabi ko naman sa'yong ayoko na Stacey. Tigilan mo na ako," boses 'yon ni Tristan.
"Paano tayo?! Paano ako?" tanong ng babae at halatang umiiyak ito dahil sa boses nito.
"Walang tayo Stacey. I already told you that before," mahinahon ang boses ni Tristan nang sabihin niya 'yon.
"May iba akong gusto Stacey," dagdag pa nito.
Halos mapakurap-kurap ako at bahagyang napangiti nang marinig ko 'yon. At least, hindi ang Stacey na 'yon ang gusto niya pero bahagya rin nawala ang ngiti ko nang ma-realize ko iyon. Napailing at napatingin na lang tuloy ako sa ginagawa ko, nawala ako sa focus!
"I hate you!" inis na sabi ni Stacey at narinig ko ang yapak niyang papalayo kaya muli akong napatingin sa gawi kung nasaan sila.
Nanlaki ang mga mata ko at kumalabog ang puso ko nang pumunta si Tristan sa kinaroroonan ko at halatang gulat rin siya nang makita ako roon. Napalunok ako, bigla akong na-guilty dahil pinakinggan ko ang usapan nila.
"S-sorry I didn't meant to hear that," nauutal na bigkas ko dahil baka akala niya ay sinadya ko talagang makinig sa kanila.
Kita ko ang pagbuntonghininga niya.
"Sorry, naistorbo ka ba?" T
tanong niya pabalik, hindi pinansin ang sinabi ko.
Agad akong umiling "Ah, hindi naman," sabi ko at napabaling sa ginagawa ko.
Naistorbo naman talaga ako pero nakakahiya namang sabihin 'yon. Hindi rin naman nila alam na narito ako.
"Is she your girlfriend?" wala sa sarili kong tanong nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ko.
"No," tipid niyang sagot.
Napadako ang tingin niya sa ginagawa ko kaya agad kong tinabunan 'yon dahil nakakahiya! Baka sabihin pa niya pangit ng gawa ko at baka minus points ko pa 'yon sa kaniya.
Magsasalita sana siya kaya lang ay parehas kaming napabaling sa kasambahay namin na tumatakbo papunta sa gawi namin. Kunot noo naman ako habang hinihintay siyang tuluyang makalapit sa aki.
"Ma'am Cheska, may nagwawala sa loob," hinihingal na sabi niya.
"Huh?! Sino?" tanong ko at agad akong napatayo.
Sa takot kong may masira sa mga naiwang gamit ni Mommy roon ay mabilis akong tumakbo papunta sa loob ng mansion.
"Asawa 'yan ng Mommy ko! Magiging bahay ko rin 'to soon!"
Malayo pa ako ay naririnig ko na ang babaeng sumisigaw roon. Hinihingal ako nang makita ko kung sino ang nagsasalita.
Si Vanessa na anak ni Veronica kaya agad nag-init ang dugo ko. Ang kapal naman talaga ng muka niyang mag-eskandalo sa pamamahay ko!
Sabagay, kanino nga ba magmamana?
"Hoy ang kapal ng muka mo, bakit naman magiging sayo 'to? Anak ka? Anak ka? Gagang 'to!" sagot sa kaniya ni Milan at pinanlakihan pa niya ng mata si Vanessa.
"Manahimik kang biot ka!" sigaw niya kay Milan.
Mas lalong nag-init ang dugo ko sa kaniya. Asal palengke talaga siya katulad ng nanay niya!
Nakita ako ni Kuya Raf at kita ko ang kahihiyan sa mata niya habang hinihila paalis doon si Vanessa.
"Vanessa, tama na. Umuwi ka na lang," sabi ni Kuya Raf kasabay nang paghila niya rito.
Magsasalita pa sana si Vanessa pero napahinto siya nang lapitan ko siya. Halatang nagulat siya nang makita ako.
"Aalis ka o kakaladkarin kita palabas?" matapang na sabi ko sa kaniya.
Mas matanda siya sa akin pero kasing tangkad ko lang siya. Nakuha ko ang height ni Daddy kaya kahit noong senior high pa lang ako, napagkakamalan na akong college.
"Cheska, nag-uutos lang ako sa mga letcheng kasambahay pero-" napahinto siya dahil sa ginawa mo.
Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya dahil sa inis. Ang kapal naman ng muka ng babaeng 'to! Alam kong kilala niya ako dahil, malamang nagkikita kami sa school at alam kong sinabi na ng Nanay niya ang tungkol sa akin.
"Wala kang karapatan dito, pwede ba umalis ka na lang? And did I invite you here though?" inis na sabi ko sa kaniya.
Hinahabaan ko pa ang pasensya ko pero mukang pinipilit ng babaeng ito na patulan ko siya.
"Ayoko!" sigaw niya at nagpumiglas siya dahilan nang pagkakaalis ko ng kamay sa braso niya.
"Ikaw, Cheska! You should respect me! Mas matanda ako sa'yo and we're step-sisters!" sigaw niya sa akin dahilan nang magbilis ng paghinga ko.
"Vanessa, lasing kana. Hatid kana namin," ani Kuya Rafael at pilit itong inaawat.
"I don't consider you as my sister kaya wag makapal 'yang muka mo. At wag na wag mo akong sisigawan sa pamamahay ko!" sagot ko sa kaniya.
Lumapit sa akin si Riva at pinakalma ako. Maaga pa at hindi pa malalim ang gabi pero sinira na nitong babae ang kasiyahan nila Kuya. Kita ko ang pagngisi ni Vanessa at itinuro pa ako nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Asawa ng Mommy ko ang Daddy mo. Bakit hindi mo 'yon matanggap?" natatawang tanong niya.
Naririnig ko ang mga gigil na bulong ni Milan.
"I wanna grab her hair," bulong sa akin ni Riva kaya napangisi ako kay Vanessa.
"Gustong-gusto mo talagang mapahiya 'no? For your information, magkaiba ang KABIT at asawa. Sana alam mong 'yong Mommy mo ang kabit dito! Pera lang habol niyo sa Daddy ko!" sunod-sunod na sabi ko sa kaniya at naramdaman ko ang mga luha ko pero pinigilan ko 'yon.
"How dare you?!" sigaw niya pabalik at aambang sugurin ako.
"Vanessa, ano ba! Tama na!" si Jake naman ngayon ang nagsalita.
"Sinabing ayoko e!" muli niyang sigaw dahilan nang mas lalong pagkakaroon ng ingay sa mansion.
Mas lalong nag-init ang dugo ko sa kaniya kaya lumapit ako sa kaniya at buong lakas ko siyang kinaladkad palabas ng mansion.
"Aray!" daing niya pero hindi ako huminto hangga't hindi kami nakakalabas.
Nang tuluyan kaming makalabas ay malakas ko siyang binitawan doon dahilan nang pagbagsak niya sa sahig.
"Cheska!" sigaw at tawag nila sa akin nang gawin ko 'yon.
Agad namang dumalo si Tristan para itayo si Vanessa. Habol ko ang hininga ko dahil sa inis at gigil sa babaeng 'yan!
Hindi ko alam kung saan nakakuha ng lakas si Vanessa kaya siya napatayo. Aamba siyang sasaktan ako pero hindi ako natakot. Mas lalo ko pang nilapit ang muka ko sa kaniya.
"Sige! Saktan mo ako! Papatulan kita! sigaw ko sa kaniya.
Agad naman siyang inawat ni Tristan kaya napahinto siya.
"Cheska, stop it." suway ni Tristan nang tumingin sa akin.
Wala akong pakielam kahit nandyan pa si Tristan, talagang nag iinit ang dugo ko sa babaeng ito! Wag niyang sabihing mas matanda siya sa akin at bata lang ako dahil hinding hindi ko siya aatrasan!
"Makakarating 'to kay Tito Luis!" sigaw niya.
"Samahan pa kita!" sigaw ko sa kaniya pabalik.
Sinamahan siya ng mga kaibigan niyang babae, sinamaan ko ng tingin ang mga 'yon kaya agad din silang umalis. Halatang lasing na nga dahil sa hindi diretsyong paglalakad, akala ko nga ay susugurin din ako ng isa sa kanila pero dahil na rin siguro sa pagbabawal sa kanila nila ng boys ay hindi na rin nila ako pinatulan pa. Sa totoo lang ay wala naman talaga silang karapatan na awayin ako lalo na at narito sila sa bahay ko. Kung hindi lang naman dahil kay Kuya Raf ay hindi sila makakapapasok sa mansion namin.
Naiwan ang mga boys doon at si Kuya Rafael ang naghatid kila Vanessa. Ang mga boys naman ay pinagpatuloy ang ginagawa nila sa labas, naroon din si Tristan at ngayon lang ako nakaramdam ng hiya.
Pinilig ko ang ulo ko at padabog akong naupo sa sofa dahil hinihingal sa pagkagigil sa babaeng 'yon.
Ang kapal ng muka para pagsabihan ng letche ang mga kasambahay namin! At feeling reyna ng makatungtong dito? Hinding-hindi mapapasakanila 'to dahil ito na lang ang iniwan sa akin na ala-ala ng Mommy ko. Ilalaban ko ito ng p*****n wag lang ulit siyang makatungtong dito at ang nanay niyang 'yon!
"Nakakabitin girl. Dapat sinubsob mo pa!" tumawa at pumalakpak si Milan nang tinabihan ako.
"Paano nakarating 'yon dito?" inis na tanong ko.
"Hindi ko alam. Nagulat na lang kami pati si Kuya Rafel na nandito na ang babaeng 'yon at lasing na!" gigil na sabi ni Milan habang umiirap.
Huminga ako ng malalim, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa galit. Ibang-iba talaga ang epekto ng mga kalahi ni Veronica sa akin lalo na 'yong anak niyang 'yon!
Hinanap ko si Riva dahil napansin kong wala siya sa tabi namin. Nagulat na lang ako nang naroon siya sa swimming pool area at kausap si James! Speed lang ang Riva niyo!
"Wala si Kuya Rafael kaya lumandi muna ng very slight," bulong ni Milan sa akin.
Natawa ako at napailing. Buti pa siya ay nasimulan nang magpa-cute sa crush niya! Bumalik lang sa normal ang lahat, naliligo na ang mga boys at si James ay nagba-barbecue habang nilalandi siya roon ni Riva.
"Tara na at makikisali ako sa paliligo," pag-aaya sa akin ni Milan.
Umiling ako, "sige pumunta ka na. Dito na lang ako," sabi ko.
"Hay naku! Hindi pwede," sabi niya pagkatapos tumayo.
Hinila naman niya ako patayo at pilit na sinama sa labas. Nahihiya pa ako sa nangyari pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Nakakapikon naman kasi talaga si Vanessa.
"Oh, Cheska. Nasaktan ka ba?" agad na tanong ni Kyle at lumapit para sinuri ako.
"Hindi naman. Thanks," sabi ko sabay iling at ngumiti sa kaniya.
"Jake! Can we join?" tanong ni Milan sabay humalakhak dahilan nang pagtingin namin sa pool.
Nahagip ng tingin ko si Tristan na kaninang nakaupo lang. Tumayo siya at agad naghubad ng t-shirt, halos mapanganga ako nang makita ko ang maganda niyang katawan. Napaiwas ako kaagad ng tingin nang lumingon siya sa gawi namin bago nag-dive sa tubig at lumangoy hanggang dulo.
"Ayy ang sarap mo Capt!" sigaw ng malandi kong kaibigan na si Milan at mabilis na lumusong sa tubig.
"Gaga talaga," natatawang sabi ko.
"Ang harot mo, Milan!" sigaw ni Riva habang tumatawa kasama si James.
Natawa rin si Kyle at napailing habang pinapanood ang mga kaibigan doon.
"Sorry kanina ha? Hindi talaga namin alam kung bakit nakarating sila Vanessa rito," muling pagsasalita ni Kyle.
"It's okay, Kyle. Hindi na siya ulit makakapasok dito," sagot ko pabalik.
Umupo ako sa upuan at dumukot ng chips na nakalagay sa lamesa. Sumunod naman si Kyle at muling napatingin sa mga naglalarong kaibigan sa pool.
"Hindi ba swimmer ka?" tanong niya.
Napatango naman ako habang kumakain ng chips.
"Sasali ako sa intramurals this year. Matagal na akong hindi nakakalangoy," sabi ko at bahagyang natawa.
"Don't worry we will support you. Isa pa, sure ako na ikaw ang makakakuha ng gold medal," sunod-sunod niyang sabi na tila ba sure na talaga siya sa sinasabi niya.
Napangiti na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayoko ng pressure pero pagbubutihan ko para makuha ko nga ang gold medal na iyon. Nakatuon lang ang mga mata ko sa chips na nasa lamesa dahil naiilang ako kapag nakikita ko si Tristan sa pool.
"By the way, I wanna invite you on my birthday," aniya.
Napatingin naman ako sa kaniya agad.
"Talaga? When?" tanong ko.
"This sunday," he said and then he smiled.
"Sige ba! Can I invite Riva and Milan too?" tanong ko dahil hindi naman ako makakapunta roon nang hindi ko sila kasama.
"Of course they're invited too," hee chuckled again.
Magsasalita na sana ako nang nakita kong kararating lang ni Kuya Rafael. Nagulat na nga lang din ako nang nasa tabi ko na agad si Riva.
"Go cyst!" sigaw ni Milan habang nakikipagharutan sa mga boys.
Nahagip nang tingin ko si Tristan na umahon pero bago pa siya tumingin sa gawi namin ay agad na akong nag-iwas ng tingin. Naramdaman kong dumaan siya sa likod ko at kinuha niya ang towel niya at pinalupot niya sa katawan niya 'yon.
Grabe ang daming abs!