"Cheska, I'm sorry I didn't expect Vanessa to come here," paliwanag ni Kuya Rafael nang makalapit sa amin.
"It's okay Kuya. Ito ang una at huli niyang apak dito." sagot ko at bahagyang nainis nang maalala na naman ang babaeng 'yon.
"Raf! Kyle! Ano na? Tara na rito!" sigaw ni Jake nang tawagin ang dalawa.
Nabaling naman ang atensyon ni Kuya Raf doon kaya nagkibit na lang ako ng balikat. May nakita akong wine sa lamesa kaya mabilis akong nagsalin sa wine glass ar mabilis na nilagok 'yon.
"Woah, chill! Pwede ka na ba uminom?" ani Kyle nang makita ang ginawa ko.
"Isa lang, tsaka umiinom naman talaga ako," sagot ko sa kaniya at nagkibit ng balikat.
Hindi na rin naman ako sinuway ni Kyle dahil eighteen naman na ako at pwede na talaga akong uminom. Nag-swimming sila roon, pati si Riva ay sumali na rin. Nakikitawa lang ako sa hampasan nila ng tubig at ang malanding Milan ay enjoy na enjoy! Si Riva naman ay pasimpleng dumada-moves kay James. Napairap na lang tuloy ako nang magkatinginan kaming dalawa.
Napasulyap naman ako kay Tristan na hindi na muling naligo at abala na siya ngayon sa cellphone niya. Napaisip tuloy ako kung sino ang kausap niya.
Lalapitan ko sana siya kaya lang ay nahiya ako kaya tumayo na lang ako sa kinauupuan ko dahil na-boring ako. Tutulong na lang ako sa paggawa ng hapunan dahil ayoko namang makisali sa kanila sa paliligo.
"Kami na po Ma'am," suway sa akin ng isang kasambahay nang pumunta ako sa kitchen.
Hindi naman ako mahilig tumulong pero dahil bored na nga ako at wala akong makausap, dito na lang ako . Kaya lang makukulit ang kasambahay namin, ayaw talaga akong patulungin kaya umalis din ako roon.
I yawned when I saw the paper bag that I'm holding earlier. Binuksan ko 'yon at tamad na naupo sa malaking sofa sa salat para tignan ang mga letter. Hindi ko alam kung paano nakakarating sa locker ko ang mga letter na galing sa ibang school. Pare-parehas lang naman silang nagco-confess doon pero hindi sinasabi ang pangalan!
"Your smiles makes my whole day complete, I hope you notice me, Cheska. I really like you and I'm hoping someday you will like me too." Napangisi ako nang basahin ko 'yon.
Galing 'yon sa anak ng Artista na nag-aaral sa La Salle. Iyon lang kasi ang may name na nakalagay kaya nalaman ko kung sino kaagad 'yon at kilala ko siya. Gwapo siya pero may pagka-corny pala.
"Enjoying reading?"
"Ay puking ina!" sigaw ko at napabalikwas nang may nagsalita sa gilid ko.
Agad ko rin tinakpan ang bibig ko dahil sa salitang lumabas doon! Ito kasing si Milan kung ano-anong tinuturo na salita sa amin eh! Tristan chuckled and licked his lips. I bit my lower lip to stop myself smiling when I find him hot with his white t-shirt. Kalma Cheska!
"S-sorry." nauutal na sabi ko sa kaniya at bahagyang ngumiti.
"No it's okay. I just got bored there that's why I came here," he explained.
"Bored or you're just missing your girlfriend?" I asked and then I chuckled.
Umupo siya sa tabi ko hindi kalayuan kaya halos kumalabog na naman ang puso ko. I can also see the smile on the side of his lips.
"I don't have a girlfriend," sagot niya sa akin habang nakatingin sa mga hawak kong papel.
"Buti naman," sabi ko at nagkibit ng balikat.
Natawa siya, "Why?" tanong niya.
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Bakit ba ganito ang isang 'to? Noong nakaraan lang ang sungit-sungit tapos ngayon naman ay patawa-tawa? Gosh! Mas lalo akong naiinlove!
"O baka ikaw naman ang may boyfriend?" dagdag pa niya at tinaasan ako ng kilay.
"H-huh? Wala ah! Duh?" nahihiyang sagot ko sa kaniya.
Tumango siya at tinignan ako uli.
"Good to hear that. Wait for the right time," he seriously said.
My heart beats went so fast when our eyes met. Para bang may kakaiba akong naramdam sa sinabi niya kaya halos hindi ko mahabol ang hininga ko sa sobrang kilig.
-
Nakatulog ako nang gabing 'yon at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil maaga akong umakyat sa kwarto ko. Pagkatapos ko ba namang makaramdam ng init sa pisngi kagabi ay agad na akong nagpaalam kay Tristan na aakyat na ako sa taas.
Nagising na lang ako kinabukasan na mag-isa sa kwarto. Nagtaka ako dahil wala ang mga kaibigan ko roon o baka naman hindi rito natulog ang mga 'yon? Bumaba ako para hanapin sila, naghilamos at mouth wash lang ako. Abala naman ang mga kasambahay namin sa sari-sarili nilang trabaho.
"Ayan perfect!"
Sa kitchen galing ang boses ni Milan kaya agad akong pumunta roon. Hindi mahilig 'to magluto at tanghali na rin nagigising. Nakakapagtaka lang dahil nauna pa siyang nagising sa akin ngayon! Kunot-noo kong tinahak ang kitchen dahil pakiramdam ko ay may kakaibang nangyayari sa bahay.
Si Riva kaagad ang natanaw ko habang gumagawa ng pancake. Hindi pa rin maalis sa muka ko ang gulat dahil mukhang may himala ngang nangyayari ngayong araw. Si Milan naman ay abala sa piniprito niyang kung ano doon.
"Wow anong meron?" tanong ko sa kanilang dalawa bago umupo sa counter.
May cappuccino pa doon na may hugis puso na tingin ko ay ginawa ni Milan.
"Gurl ang aga mo kasing natulog kagabi," maarteng sabi ni Riva at inirapan pa ako.
"Oo nga! Ang hina mo naman yata ngayon girl? You should start your moves to Tristan," napayuko kaagad si Milan at agad tumalikod nang matapos niyang sabihin 'yon.
"Paano nga? E, hindi naman ako sanay na ako ang lumalapit sa lalaki," sabi ko at napangalumbaba sa counter.
"Shut up na girl," mahinang sabi ni Milan at inabala sa kung ano habang nakatalikod.
Nagtataka ako dahil sa pagkaabala nila kaya lumingon ako kay Riva para siya naman ang kausapin, pero muntik na akong mapatalon nang makita kong naroon si Tristan, umiinom ng tubig.
"Good morning," Tristan greeted us with his baritone voice.
Halos mapalunok ako at agad naisip kung narinig niya ba ang mga pinag-uusapan namin! Agad din akong nagtaka. Hindi ko alam na rito sila natulog, malaki naman ang mansion at may tatlong guest room pero hindi ko talaga inaasahan 'yon!
Dumapo ang mga tingin niya sa akin at kita ko ang pagpasada niya sa suot ko. Nakapantulog pa ako at wala akong suot na bra! Sa sobrang hiya ko ay inikot kong muli ang sarili paharap kay Milan na napatingin sa akin at awkward ding nakangiti.
"Good morning capt!" bati ni Milan na tila ba wala lang.
"Oo nga pala Cheska, nalasing sila kagabi kaya rito sila natulog," narinig kong paliwanag ni Riva bago dumaan sa gilid ko at inabot kay Milan ang ginawa niyang pancake.
"It's okay, bilisan niyo na lang dyan gutom na ako," sabi ko sa kanila habang sumesenyas kung naroon pa rin ba si Tristan.
Nasagot naman kaagad ang tanong ko nang maramdaman ko siya sa gilid ko. Tumabi sa akin si Tristan at bigla akong na-concious kung anong itsura ko ngayon dahil kakagising ko pa naman. Nakasuot siya ng puting sweater at itim na short, nakakainggit lang dahil naaamoy ko ang ang bango niya kahit hindi pa siya nakakaligo.
"Opo señorita sandali na lang po," birong sagot nila sa akin.
Napairap na lang ako at kita ko kaagad nag pagngisi ni Milan sa akin.
"Oo nga pala Capt, ito oh kape," inabot ni Milan ang cappuccino kay Tristan na kagagawa lang.
Alam kong hindi para kay Tristan 'yon, para kay Jake 'yon! Gusto kong irapan ang kaibigan dahil sa kaharutan niya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"No thanks, hindi ako nagkakape," bahagyang natawa at agad na umiling si Tristan.
"Ay talaga? Osige kay Jake na lang," humagikhik si Milan at tinulungan si Riva na kanina pa sa ginagawa.
"Good morning," bati niya ulit dahilan nang paglingon ko sa kaniya.
Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Taksil talaga 'to kahit kailan!
"Morning," bati ko sa kaniya pabalik at mgumiti.
"Do you want a coffee?" he asked.
Mabilis akong umiling, hindi ako nagkakape at isang beses pa lang yata ako nakatikim 'non sa buong buhay ko.
"I don't like coffee," maarteng sagot ko.
He chuckled. "Parehas pala tayo," sabi niya.
Gosh! Halos marinig ko ang kalabog ng puso ko kaya ngumiti na lang ako dahil hindi ko na alam ang susunod na sasabihin ko. Lagi akong nawawalan ng sasabihin kapag siya na ang kaharap ko. Ang hirap naman ng ganito!
"Don't you want to change your clothes first?" tanong niya kaya agad akong napatingin sa pantulog kong damit.
Halos takpan ko ang dibdib ko nang makita kong nakabakat iyon doon! Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na muling abala sa ginagawa at mukang wala namang pakialam sa aming dalawa rito ni Tristan.
Narinig ko ang mga yapak galing sa hagdan kaya mas lalo akong kinabahan.
"Come with me," bulong ni Tristan at agad akong hinila paalis doon.
Siguro ay sa sobrang kaba at kahihiyan ko rin ay sumama ako sa kaniya. Nasa likod kami ng bahay kung saan ako nag-painting kahapon, parehas pa kaming hinihingal dahil sa pagtakbo.
"Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Kita ko ang pagsulyap niyang muli sa suot ko pero agad siyang nag-iwas ng tingin at agad hinubad ang sweater na suot niya.
"Wear this," sabi niya habang sa ibang direksyon nakatingin.
Agad akong napangiti at walang pagdadalawang isip na kinuha ang sweater sa kamay niya. Habang sinusuot ko iyon ay hindi ko mapigilang kiligin lalo pa at naiwan doon ang amoy niya. Pakiram ko tuloy au nakayakap ako sa kaniya!
"Kapapalit ko lang niyan bago ako bumaba kanina. They won't mind if they saw you wearing that," he explained.
Itinikom ko ang bibig ko para matakpan ang mga ngiti sa labi ko.
"Thank you," nahihiyang sabi ko.
Tumango naman siya at itinuro ang daan patungo pabalik sa loob.
"You can go inside first," sabi niya.
Hindi ako agad gumalaw pero nang muli niyang ituro ang loob ay napatango na lang ako agad nang pumasok sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay agad nagtama ang mga mata namin ni Riva. Napatakip siya sa bibig niya at kita ko kaagad ang paghagod niya ng tingin sa suot ko. Ngumiti ako at kumindat para ipaalam sa kaniya na hindi lang siya ang nakakaharot sa crush niya.
Maraming niluto sila Milan, pancakes, eggs, hotdogs, bacons and fried rice. Wala akong ganang kumain kapag umaga pero sasabay pa rin ako sa kanilang kumain. Mabuti na lang mahaba ang lamesa namin dito at kasya ang higit sa sampung tao dahil madalas kaming magkaroon ng bisita noon.
"Morning. Dito ko na pala sila pinatulog kagabi, hindi na kita nagising para magpaalam," sabi ni Kuya Rafael na tumutulong na rin doon.
"No worries," sabi ko at ngumiti.
Umingay ang dining room dahil sa pagpasok ni Milan kasama ang mga boys. Nagulat na lang din ako nang nakapasok na rin pala si Tristan kaya bahagya na naman akong nahiya.
"Ako nagluto ng mga 'yan," pagyayabang ni Milan sa mga boys.
"Hoy! Tinulungan kita gaga," sabat ni Riva at nag-irapan silang dalawa ni Milan.
"Tama na 'yan. Tara na kumain para makauwi na kayo," sabi ni Kuya Raf pagkatapos ay tumawa.
"Oo nga. Nakakahiya na kay, Cheska." si Jake naman ngayon ang nagsalita.
Natawa ako at umiling.
"Okay lang naman. Mas gusto ko rin naman na may kasama rito," sagot ko.
"Naku! Sasakit lang ulo mo sa mga 'yan," sabi ni Kuya Raf at umiling-iling.
Nagtawanan silang lahat at nagkaroon na naman ng kaniya-kaniyang mundo. Umupo si Tristan sa harapan ko kaya halos marinig ko na naman ang t***k ng puso ko. Si Milan naman ay inasikaso kaagad ang mga boys, talagang hindi niya ako napapansin ngayon dahil may mga lalaking nakapaligid sa kaniya! Samantalang si Riva naman ay nakapagitna kay Kuya Rafael at James.
"Good morning, Cheska." bati sa akin ni Kyle na katabi ni Tristan.
"Good morning," I said and then I smiled at him.
Nagsimula na silang kumuha ng pagkain pero ako ay pancake lang ang kinuha ko.
Babalik ako dito mamaya para iabot yung invitation. Okay lang ba?" tanong ni Kyle habang naglalagay ng fried rice sa plato niya.
Tumango naman ako at ngumiting muli.
"Of course," sagot ko.
"Invitation?" nagtatakang tanong naman ni Riva, dahil mukang narinig niya ang sinabi ni Kyle kahit medyo maingay ang mga boys doon.
"Tomorrow is my birthday and I want to invite you all. Alam na nila Rafael 'yan," paliwanag ni Kyle at nagkibit ng balikat.
Tumango ang mga boys na parang alam na nga nila ang mangyayari bukas.
"Yes! Pupunta kami!" excited na sabi ni Riva at bahagyang sumulyap sa kuya niya.
Hindi naman na umangal pa si Kuya Rafael kaya kita sa mga mata ni Riva ang tuwa. Nagkwentuhan sila roon habang kumakain samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Hindi rin ako matigil sa pagsulyap kay Tristan na laging nangingiti kapag may joke na binibitawan si Jake.
"Ma'am Cheska, si Sir po gusto raw po kayong makausap." isang kasambahay namin ang nagmamadaling pumasok sa dining area.