Mabilis lang lumipas ang mga araw at sa buong weekend na 'yon ay naging abala kami sa pagre-review para sa darating na midterm week namin. Hindi na rin kami nagkita pa ni Tristan sa dalawang araw na lumipas na 'yon para naman mabigyan namin ang isa't-isa ng oras para sa pag-aaral naming dalawa. Hindi pa rin ako nakakapagpasalamat sa mga kaibigan ni Kuya Rafael na sila Jake at Adrian dahil simula raw ang pasimuno para lang makuha ang cctv footage sa lugar kung saan kami nag-away ni Vanessa. Labis-labis talaga ang tuwa ko lalo na at naiisip kong isang linggo kong hindi makikita si Vanessa sa campus. Nang mag-Monday ay sobrang strict ng mga proctor namin kaya nag-focus talaga ako sa exam ko para makakuha ng mataas ng scores. Isa pa ay para naman hindi rin masayang ang effort na ginawa nila