Parang tangang nakaupo si Vanessa sa harapan ko dahil gulo-gulo ang buhok niya at gusot-gusot ang damit niya. May punit pa 'yon kaya kitang-kita kung sino talaga ang mas nakawawa sa aming dalawa. Mas malaki ako sa kaniya at 'yon ang advantage ko. Wala rin naman akong magagawa dahil siya ang naunang sumugod. Hindi naman niya 'yan mararanasan kung hindi niya ginulo ang buhay ko ngayong umaga. Nakaayos na ako ngayon dahil ayokong magmukhang tanga katulad niya. Nakaayos ang buhok at damit ko at presentable tignan, hindi ko alam kung bakit hindi siya nag-aayos ngayon lalo na at hinihintay pa namin ang Dean namin. Pakiramdam ko ay nagpapatayan kaming dalawa sa titig at pinipigilan ko naman ang tawa dahil mukha talaga siyang tanga at luka-luka. Ang sabi sa amin ay maghintay rito dahil pinata