Nagsaya lang kami sa gabing 'yon kahit lahat kami ay stress sa dahil sa midterm na paparating. Si Milan ay tuwang-tuwa dahil nakakalapit kay Jake lalo na nang malasing ito dahil sa inuman. Umuwi sila hating gabi na at ayos naman na kami ni Tristan kaya nakatulog ako ng maayos nang gabing 'yon. Hindi ko na rin iniisip pa si Vince dahil dadagdag lang siya sa mga problema ko. Mas problema ko ngayon ay si Daddy dahil hindi ko alam kung itutuloy niya pa ba talaga ang pagpapakasal sa babaeng 'yon. Maraming sinasabi si Daddy at marami siyang mga dahilan pero wala akong makitang magandang rason para roon. Kahit ano pang sabihin niya ay hinding-hindi ko matatanggap ang mga dahilan na 'yon. Kinabukasan ay tuwang-tuwa na naman si Milan dahil sa mga kagagahan niyang ginawa kagabi kaya pagkagising