"Get out," mariin na sabi ni Tristan kay Vince. Kita ko ang galit nilang dalawa sa isa't-isa lalo na kapag tinitignan mo ang mga mata nilang dalawa. Nagulat naman ako nang bigla akong hilahin ni Vince papunta sa kaniya. "What the hell are you doing here?!" galit na namang tanong ni Vince kay Tristan. Halos mapalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Tristan. Kita ko ako pagiging dismiyado at galit sa mga mata niya. Oo nga pala at nakalimutan kong sabihin na sa condo ako ni Vince dinala. "Let's go," sabi ni Tristan at siya naman humila sa akin. Mariin ang pagkakahawak niya sa akin na para bang hindi na ako makukuha pa ng iba. Tinulak ni Tristan si Vince para makaraan kami pero muli akong nagulat nang mabilis na namang humarang si Vince para harangan kami. Malakas ang pagkakatul