I'm excited and nervous at the same time. Nakuha ko na ang driver license ko at nagpaalam na kami ni Tristan kila Jake at Adrian na mauuna na. May dala naman silang sasakyan at ang sasakyan ni Tristan ay iiwanan doon. Mamaya na lang daw niya kukuhanin para may dahilan siya sa pagbalik namin dito sa mansion. "Basta yung tinuro ko sa'yo ha," paalala niya at abot naman ang tango ko. Kinakabahan ako pero kinailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong magasgasan kaagad ang sasakyan ko. "Focus and relax," muli niyang paalala. Huminga ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko nang makalabas kami ng subdivission. Maraming sasakyan sa labas kaya hindi ko mapigilang huwag kabahan pero naka-alerto naman sa akin si Tristan dahan-dahan lang ang patakbo ko. "Malapit ka ng puma