Tamad akong naupo sa upuan ko sa room nang makarating ako roon. Gaya ng dati may natanggap na naman akong na kung ano-ano'ng regalo galing sa mga hindi ko kilala dahil wala namang pangalan ang nilalagay nila roon. "Cheska, I heard may new car ka raw? So hindi kana hatid sundo niyan?" nakangiting tanong sa akin isa kong ka-block mate na si Daisy. "Yeah. I saw it kanina but tama ba ang nakita ko? You we're with Tristan?" isang kaklase ko ang nagtanong. Akala ko ay magiging payapa ako rito sa room pero akala ko lang pala 'yon. Ngumiti ako sa kanila at tumango para ipaliwanag at sagutin ang mga tanong nila sa akin. "Yup. Sa bahay kasi natulog sila Kuya Rafael with his friends. I'm with Tristan cuz he wants me to guide my driving," sagot ko at nagkibit ng balikat. Tumango-tango sila kaya n