Parang isang araw lang na naman ang nagdaan simula nang mawala si Daddy. Hindi ko man maintindihan ang sinabi sa akin ni Mr. Henry ay ginawa ko ang sinabi niyang hanapin ang lawyer ni Daddy. Nakita ko na siya noon pa pero hindi na ulit nangyari dahil mas naging abala ako sa sarili kong buhay at sa pag-aaral. Dalawang buwan na ang lumilipas at ganoon rin nang makaalis si Tristan. Aaminin kong maraming nagbago sa aming dalawa. Abala siya sa training niya at ako naman ay nagseryoso lalo sa pag-aaral dahil sa kagustuhan ko nang makatapos. My friends are busy doing their own business at hindi ko sila dinadamay sa problema ko. Gusto kong gawin nila ang ga dating nakagawian na naming buhay habang ako ay abala sa pag-iisip tungkol sa kompanya na iniwanan sa akin ni Daddy. "Aalis ka na?" tanong