"Cheskirt!" Napailing ako kaagad nang marinig ang tawag na iyon. Agad kong ininom ang cocktail na nasa harapan ko. Nasa bar kami ngayon nila Milan at Riva dahil inaya kami ng ibang barkada kaya lang ay umalis muna ako sa table para makapag-isa, pero mukhang hindi iyon matutupad ngayon lalo na nang tumabi sa akin si Zayne. "What?" agad na tanong ko sa kaniya. "Wow ang sungit ha? Ngayon na nga lang ako umuwi. Hindi mo ba ako na-miss?" natatawang tanong niya. Mas naging malapit ang barkada ni Zayne sa mga barkada ko dahil karamihan naman sa kanila ay dito lang nag-training. Madalas ko na rin nakakasama si Zayne dahil magkakasama ang grupo namin. Mas napalapit din siya sa akin dahil wala na si Stacey, akala ko pa naman noon ay silang dalawa pero hindi naman pala. "Iba ang namimiss ko, Zay