Lumipas ang dalawang araw namin sa airbnb ni Tristan. Pinipilit niya akong umuwi sa gabing 'yon dahil baka hanapin daw ni Daddy pero alam ko namang hinding-hindi mangyayari 'yon dahil busy si Daddy sa preparation ng wedding niya. Mas gusto ko na lang sulitin ang pagsasama namin ni Tristan ngayon lalo na at ilang buwan na lang ay kailangan na niyang mag-training. Kahit alam kong sobrang laki na naman ang magbabago sa amin ni Daddy once na maikasal na siya kay Veronica. As long as hindi sila titira sa mansion ay hindi na ako umangal pa. Mukhang ayaw rin naman ni Veronica na makasama ako roon dahil ipinakalat ko lahat ng mga portrait ni Mommy sa buong mansion. Isa pa kung ayaw niya akong makasama sa iisang bubong ay mas lalong ayaw ko! Pauwi na kami ngayon sa mansion dahil ngayon din uwi n