"I'm sorry okay? Hindi ko sinasadyang pakabahin ka. Andito naman na ako," sabi niya muli na naman siyang natawa. "I hate you! Buong akala ko may nangyari nang hindi maganda sa'yo!" pagsesermon ko sa kaniya. Mas natawa naman siya at bahagyang pinisil ang pisngi ko. Inirapan ko naman siya at mas nagtapis ng towel dahil nilalamig na ako. Nanatili naman siyang nakangiti habang nakatingin sa akin. "Stop smiling it's annoying," suway ko sa kaniya pagkatapos ay bahagyang tinulak ang mukha niya. Hindi pa rin ako sanay sa mga titig niya at naiilang pa rin ako roon kaya hangga't maaari ay ayoko siyang tumititig sa akin. Lalo pa ngayon na kagagaling ko lang sa pag-iyak at alam kong konting iyak ko lang ay mabilis mamugto ang mga mata ko. "Did you worried?" tanong niya kaya sinamaan ko siya ng t