Nang makarating kami kila Milan ay agad kaming insikaso ng Nanay at Tatay niya. Pinaghanda kami ng meryenda kahit hindi naman kailangan dahil may dala rin naman kami ni Tristan. Hindi naman ako makatakas sa mga tingin ng bakla kong kaibigan kaya kapag nagkakatinginan kaming dalawa ay nag-iiwas na lang ako. Alam na alam k ang mga ganiyang tingin kaya medyo kinakabahan ako dahil baka bigla siyang magtanong. "Nakahanda na ba lahat ng mga gamit ko?" tanong ko kay Milan at bigla akong tinaasan ng kilay bago napangisi. "Oo naman kanina pa," sagot niya at kita ko na naman ang mga mata niya na may bahid ng pagkadumi sa pag-iisip. "Pasensya kana, Cheska ha? Hayaan mo at makakabawi rin kami sa pagpapatira mo rito sa anak ko sa bahay niyo," sabi ni Tita Mildred, Nanay ni Milan. Napailing naman a