Inabala ko na lang din ang sarili ko sa mga projects at pagre-review dahil sa sunod-sunod na quiz sa feeling major subject namin. "Wow may flowers!" sabi ni Milan nang matapos ang klase nila. "Hi, Cheska!" bati sa akin ng mga nakakakilala sa akin doon, mapa babae man o lalaki. Ngiti at kaway lang naman ang iginawad ko sa kanila at hindi ko maintindihan na para bang isang malaking achievement nila ang pansinin ko sila. "Cheska!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Anthony na tumatakbo palapit sa amin habang nakasuot ng basketball jershey at may hawak pang bola. Isa si Anthony sa mga pumoporma sa akin at isa rin siya sa mga nagbibigay ng kung ano-anong regalo sa akin. "Why?" tanong ko at tinignan siyang hinihingal dahil sa pagtakbo. Nood ka naman ng training ko. Kahit