Nagtagal ang halikan namin ni Tristan. Hindi na ako makagalaw dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Mas pabilis din nang pabilis ang t***k ng puso ko. Halos habulin ko ang paghinga ko nang itigil niya ang paghalik at kasabay nito ang pagbalik ng ilaw. Kita ko ang pamumungay ng mga mata niya habang nakaawang ang mapulang labi niya. Hinihingal din siya habang nakatingin sa akin sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin at napatingin sa mahigpit na hawak ko sa balikat niya. Huminto na yung ulan," sabi niya at tinulungan niya akong maitayo mula sa pagkakaupo sa kaniya. Hindi ako kumibo at tinignan siyang seryosong inaayos ang damit niya. "W-why did you do that?" tanong ko. Maiintindihan ko pa kung isang beses lang ang paghalik niya sa akin pero pinangalawahan niya pa ngayon. "Let's go. Ba