"What? No, Prince! It's my Kuya!" pagtatama ko pero agad nang ibinaba ni Tristan ang tawag. Kita ko ang pagngisi niya nang ibinalik ang phone ko kung saan nakalagay kanina. "What did you just said?! Hindi naman kita boyfriend!" reklamo ko sa kaniya at hinamps pa ang balikat niya. "Para tigilan ka na," sabi niya at nagkibit ng balikat. "Kahit na, hindi mo dapat sinabi 'yon! Paano kitang magiging boyfriend eh hindi mo pa nga ako nililigawan!" maarteng sabi ko pagkatapos ay tumingin sa harapan. Natawa lang siya kaya mas lalo akong bumusangot habang nakatingin sa traffic na kanina pa hindi umuusad. Bigla akong nahiya kay Prince dahil ang alam niya ay siya pa lang talaga ang unang lalaking tinagpo ko tapos malalaman niyang may boyfriend na ako. "I need to call him," sabi ko at umabante p