Iyon ang caption na nilagay ko at pinost 'yon. Napangisi ako at nilapag ang phone sa kama ko. My phone beeps while I'm brushing my hair, hindi ko agad pinansin 'yon at tinapos muna ang ginagawa. Nang malinis ko ang kama ko sa mga kalat ay tsaka ko lang 'yon binuksan. Halos kumalabog na naman puso ko nang may direct message sa akin si Tristan. yourfuturecaptain: Bumabawi ka ba? Napairap ako at hindi siya kaagad ni-reply-an. Hindi ako marupok na inaalaka niyo 'no! Ni-like ko na lang ang mga nag-comment sa post ko at ang iba ay sinubukan kong reply-an. Ilang minuto ang lumipas nang may message na naman akong natanggap mula kay Tristan. yourfuturecaptain: Don't ignore my message and stop teasing me by replying to your suitors, you little brat. Natawa ako at dumapa sa kama ko habang p