HINDI makapaniwala si Katrina sa kasalukuyang nagaganap sa kanila ni Jero. Namimingwit sila sa ilog. May nakayukong sanga ng malaking kahoy sa gilid ng ilog at doon sila pumuwesto. Kanina ay takot na takot siyang umupo baka mahulog siya, pero nang makaupo na siya ay naglaho ang kaba niya dahil alam niya ligtas siya sa kamay ni Jero. Nakapulupot ang isang kamay nito sa baywang niya habang kapwa sila may hawak na pamingwit. Hindi niya iyon nagawa ni minsan sa buhay niya. “May specialty ako sa tilapia,” sabi ni Jero. “Anong luto?” kaswal na tanong niya habang nakahilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. “Tilapia de amor.” Bigla siyang natawa. Tiningnan niya si Jero. “Paano ‘yon?” “Kapag nakahuli tayo ng tilapia, ang isang pisngi ay uukitan ko ng pangalan ko. Sa kabilang pisngi naman ay pa

