HINDI kaagad nakalabas ng kuwarto si Katrina dahil kinailangan pa niyang labhan ang kobrekama. May mantsa kasi iyon ng dugo. Mamaya ay may kumatok sa pinto. Hindi niya ito pinansin dahil alam niya’ng si Jero lang ito. Narinig niya’ng bumukas ang pinto. “Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin?” Lumingon siya sa pinto. Nakatayo na roon si Jero. Nagkukusot pa rin siya ng kobrekama sa loob ng banyo. “Puwede ba maghintay ka!” inis na sabi niya. “Kanina pa ako naghihintay may isang oras na!” ganti nito, nakataas din ang boses. “Kung hindi ka makapaghintay, umalis kang mag-isa mo! Matapos mo akong guluhin, pagutin, binigyan mo pa ako ng trabaho!” “Ginulo ba kita? Pinaligaya kita!” Bumalikwas siya ng tayo at tuluyang humarap dito. May mga bula pa ang mga kamay niya. Sa inis niya’y ipinahi

