SINIMULAN na ni Jero na buuin ang malaking star na yari sa kawayan. Inihahanda na rin ni Katrina ang mga gagamitin nilang diyaryo at pandikit. Naroon sila sa attic ng bahay ng mga ito. Malamig ang simoy ng hangin Doon na lumulusot sa nakabukas na binata. Naroon sa ikatlong palapag ng bahay ang attic. Mula roon sa itaas ay natatanaw niya ang siyudad. Malayo na iyon kaya parang mga bituin na nagniningning ang Mga ilaw. Isolated na ang lugar na iyon dahil malayo sa bayan at nasa gitna ng karuwagan. Mababait ang mga magulang ni Jero, parang pamilya na rin ang trato sa kanya. Mamaya’y bumukas ang pinto at pumasok si Jeddan. May dala itong tray ng pagkain. Nakapatong doon ang dalawang baso at dalawang platitong ube flavored cake. Inilapag nito iyon sa center table. “Meryenda n’yo raw ito. Huwa

