NAGTATAKA si Katrina paggising niya ay nasa loob na siya ng magarang kuwarto. Naroon na rin ang bag niya. Bumangon siya at naligo muna. Ayaw niyang humarap sa pamilya ni Jero na hindi pa siya naliligo. Maluwag ang banyo ng kuwarto, may maliit na space para sa Jacuzzi. Para na rin siyang nag-check in sa isang hotel room. Pagkatapos niyang maligo ay dumiretso siya sa attic. Pagpasok niya ay namaan niya ang parol na nakasabit sa bintana. Buong-buo na ito. Malinis na rin ang paligid. Napangiti siya. Hindi pala talaga tinigilan ni Jero ang parol hanggat hindi natatapos. Malamang tulog pa hanggang sa mga oras na iyon ang binata. Pagkuwa’y bumaba na siya sa ground floor. Pagdating niya sa sala ay siya namang labas ni Jove mula kusina. “Mabuti gising ka na, Katrina, kaluluto ko lang ng almusal.

