ISANG oras nang naghihintay ng masasakyan si Katrina sa labas ng istasyon nila. May iilang sasakyan na dumadaan pero wala siyang makitang pampasahero. Unti-unti nang binabalot ng dilim ang paligid. Kinakabahan siya sa tuwing naiisip niya ang sinabi ni Erman na hindi siya puwedeng maabutan ng dilim sa lansangan. Ang mga iniwan ni Erman na mga bampira ay sa tuwing gabi lang naman umaaligid sa kanya. Napapansin niya, habang lumilipas ang mga panahon ay paunti nang paunti ang mga tao sa bayan nila. Hindi kaya epekto iyon ng paglaganap ng virus at mga bampira sa lugar? Pero kahit saan naman magpunata ang mga ito ay manganganib pa rin ang buhay. Ayon sa impormasyong nalakap nila, posible nga raw magkaroon ng zombie apocalypse pero hindi pa tiyak kung kailan talaga mangyayari. Ayaw niyang iwan