NAHULI na nang dating si Jero sa bahay nila Katrina sa Lapu-lapu. Palabas na ang grupo ng daddy niya kasama si Dario at Erron, pati na si Trivor. May takot sa mukha ng mga ito. Busy ang iba kaya ang daddy niya ang kanyang nilapitan.
“Anong nangyari, Dad?” tanong niya rito.
“Nawawala ang mga magulang ni Katrina,” diklara nito.
Napamata siya. “Paanong nawala? Hindi ba nakalibing sila?”
“Hindi namin masagap ang aura nila. Patay ang katawan nila kaya wala silang aura. Malamang naghahanap na sila ng makakain. Kailangan nating bigyan ng babala ang mga tao. Magtulungan tayo, Jero. Ang masama nito, baka nararamdaman pa ng mga magulang ni Katrina ang presensiya ng anak nila kaya posibleng hahagilapin nila ito.”
Inalipin na siya ng kaba. “Kailangan kong puntahan si Katrina!” aniya. Iniwan niya ang kanyang ama.
“Jero!” tawag ni Serron, pero hindi niya ito pinansin.
Pasado alas-diyes na ng gabi nang tumuntong si Jero sa condo unit na tinitirahan ni Katrina. Tahimik na ang paligid. Mayroong guwardiya kaya nag-teleport siya at napadpad siya sa tapat ng unit ni Katrina. Pinakiramdaman muna niya kung naroon sa loob ang dalaga. Nang walang maramdamang negatibong enerhiya ay nag-teleport siya papasok sa unit.
The room was made of good quality materials but the sliding window glass was easy to break and no grill outside. Madali itong masira if ever na may gustong pasukin ang kuwarto. Nasa fourth flour ang unit pero kaya iyong pasukin ng mga bampira. Kahit mahigpit ang security, hindi nito masasabat ang mga halimaw na magnasang pumasok. He won’t trust humans that they can protect Katrina against those monsters.
Wala nang nakabukas na ilaw pero may liwanag na lumulusot sa siwang ng kisame mula sa kuwarto ni Katrina. Nararamdaman niya ang presensiya ng dalaga na gising pa. Kung magpapakita siya rito ay siuradong mag-aalburuto ang dalaga at baka kasuhan pa siya ng trespassing or magnanakaw.
Mamaya ay narinig niya ang boses nito na tila may kausap sa cellphone. Nang bumukas ang pinto ng kuwarto nito ay dagli siyang kumubli sa ilalim ng sofa. Wala kasi siyang makitang mapagtaguan na hindi siya makikita. Ipinagkasya niya ang malaking katawan doon kahit halos hindi na siya makahinga. What a terrible idea?
“Nasaan ka na ba?” narinig niyang tanong nito sa kausap.
Nakita niya ang mga paa nito’ng humahakbang patungo sa pinto. Pagkuwa’y binuksan nito ang pinto.
“Naistorbo ba kita?” wika ng lalaking panauhin nito.
Nawindang siya nang makilala ang tinig ng lalaki. It was Erman! Unexpectedly, he felt panic. Ano naman ang ginagawa nito roon sa ganoong diyes-oras ng gabi? Or should he ask himself that question?
“Tuloy ka,” anyaya ni Katrina sa bisita.
Walanghiya, doon pa talaga sa sofa na tinataguan niya naupo si Erman. Si Katrina naman ay sa katapat na sofa umupo. Pilit niyang itinatago ang aura niya dahil paniguradong sa mga sandaling iyon ay nararamdaman ni Erman ang presensiya niya.
“Nanggaling na kami sa bahay ninyo kanina. Wala na roon ang mga magulang mo. Nadatnan naming nakabukas ang main door. Katawan na lang ng matandang babae ang naabutan namin na wala nang lamang-loob at utak. Ganoon din ang dalawang lalaki na nahulog sa hukay,” batid ni Erman.
Matagal na nanahimik si Katrina. Siguro’y inalipin na ito ng takot. “N-nasaan na sila?” tanong nito sa balisang tinig.
“Pinaghahanap pa sila ng mga kasama namin. Naparito ako upang kamustahin ka at bigyan na rin ng babala. Huwag ka sanang magpaabot ng dilim sa labas. Ngayon pa lang tuluyang aktibo ang virus sa katawan ng mga magulang mo kaya may pagkakataon na may pakiramdam pa sila, pero kapag matagal na silang nakakakain ng tao ay tuluyan na silang makakalimot,” paliwanag ni Jero. “Sandali, hindi ba nagpuna rito si Jero?”
Pigil-pigil ni Jero ang hininga matapos banggitin ni Erman ang pangalan niya. Sobrang lakas ng pandamdam ni Erman, ultimo hininga ng tao ay nasasagap nito at nakikilala kung sino. He knows that whatever he does to hide his aura, Erman will able to detect him using his strong mind radar.
“Ah, h-hindi naman siya nagpunta rito,” pagkuwa’y sagot ni Katrina.
“Ang sabi ni Tito Serron nagpaalam si Jero para puntahan ka. Ah, hindi pala nagpaalam, basta umalis lang siya,” ani Erman.
Lagot na. Mukhang ilalaglag pa siya ng pinsan niya.
“Hindi ko naman siya nakita. Wala namang nag-door bell sa pinto kanina,” ani Katrina.
Biglang tumayo si Erman. Palakad-lakad ito. “Teka, hindi kaya narito lang siya at nagtatago?” sabi nito.
Ngali-ngali niyang hilain ang paa ni Erman. Naramdaman na nga siya nito.
“Ha? Imposible ‘yon. Naka-lock ang pinto kanina kaya walang sinuman ang makakapasok,” wika ni Katrina.
Bumungisngis si Erman. “Hindi mo pa talaga kilala si Jero. Butas nga ng karayom kaya niyang pasukin, pinto mo pa kaya? May universal key ang utak niyon kaya kayang buksan kahit anong klasing pinto. Kung masama nga lang siyang nilalang ay baka lahat ng malalaking bangko sa bansa ay napasok na niya at nalimas ang mga pera,” panlalaglag sa kanya ni Erman.
Malilintikan talaga ito sa kanya. Hindi na niya kinaya ang pagpigil ng hininga. Tutal, nararamdaman na ni Erman ang presensiya niya, ano pa nga ba ang magagawa niya? Ang kinakatakot niya ay ang magiging reaksiyon ni Katrina. Baka lalo itong mabuwisit sa kanya.
“Ano naman ang gagawin dito ni Jero kung kuwan?” mamaya ay tanong ni Katrina kay Erman.
“Malamang babantayan ka.”
“Ano? Ano naman ang nakain niya?”
“Konsiyensiya, baka kinakain na siya ng konsiyensiya niya. Huwag kang mag-alala, mabait na nilalang si Jero,” ani Erman.
“Kailan naman siya naging mabait? Ah, oo nga pala, mabait siya dahil tumutulong siya sa ibang tao. Pero wala siyang kuwentang lalaki.”
Nakagat ni Jero ang kanyang ibabang-labi. Masakit din palang marinig mismo kay Katrina na wala siyang kuwenta. Guilt triggered him at the moment. He can’t blame her for hating him much. Kasalanan din naman niya. Naging heartless siya rito matapos itong masaktan dahil sa kanya.
“Sige lang, magkumpisal ka pa sakaling marinig ka niya,” udyok pa ni Erman.
Isa pa itong Erman na ito, matatadyakan na talaga niya ito.
“Ang totoo, Erman, ipinanganak ba si Jero na walang puso? He was emotionless, weird, heartless, and−”
“Heartbreaker? Yes, you’re right, heartless siya. Actually, may puso siya kaso hindi pa activated. Kailangan pa iyong sundutin para gumana. Pero matakot ka kapag activated na ang puso niya, malamang isa siyang possessive lover. Mabait ang ama niya kaya posibleng magmana siya roon. Mabait din ang nanay niya. Kulang lang sa hilot si Jero,” panlubag-loob na sabi ni Erman.
“I don’t care! Hindi ko na kailangang hintayin kung kailan ma-activate ang puso niya. Ang sugat sa puso hindi basta nagagamot,” iritableng sabi ni Katrina.
“Alam mo, Kat, may heartbreak na nagagamot ng mismong nakasakit dito. Malay natin, si Jero din ang makakagamot niyan.”
“Hindi na ako umaasa.”
“But you still felt pain inside your heart, Kat. Meaning you don’t know how to forget him and moving on. I’m not an expert but I know what love is.”
Biglang tumahimik ang panig ni Katrina.
Dahil sa daloy ng usapan ng dalawa ay tila may hanging sumampal sa pagmumukha ni Jero. Instantly, his heart pounding so damn fast! Gusto na niyang maglaho kung maari lamang upang malaya siyang makontrol ang kanyang nararamdaman. Apektado siya sa pananahimik ni Katrina. Palaging tama si Erman. Mahilig itong magbasa ng kung anu-anong aklat kaya mas malawak ang kaalaman nito kumpara sa kanya. Erman was a great lover, a romantic flirt, pero tipong napapanagutan ang kalokohan.
“Hell! What are we talking about, Erman?” bigla’y usal ni Katrina.
“We’re talking about Jero, Kat. Alam ko may galit ka pa rin sa kanya. Close kami, as in daig pa namin ang magkasintahan. Nasasabi niya sa akin lahat ng nangyayari sa buhay niya, kaya alam ko ang kuwento ninyong dalawa. Pero ang hindi ko malilimutan sa sinabi niya noong sinampal mo siya, alam mo kung ano?” ani Erman.
“W-what?”
He could picture out Katrina’s reaction while waiting for Erman to talk. Her forehead knotted with full of curiosity. Ganoon naman ito palagi.
“He said: “why she hated me? I did anything for her just to help and protect her. I just want to show her how much I like her.” Pero siguro noong time na iyon ay hindi pa alam ni Jero kung ano ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi niya. Pero base sa nabasa ko sa isip niya noon, na hindi niya matanggap ang biglaang paglayo mo sa kanya. Masama rin ang loob niya. And base sa emotion niya noon; he felt pain of losing you. He felt sad, pero kaya niyang pigilan ang emosyon niya dahil napapansin niya na nanghihina siya kapag pinapairal niya ang emosyon. But he can’t help it, he’s still felt it when he’s alone. ‘Tulad ng sinabi ko, kulang lang sa hilot ang puso ni Jero. At ikaw lang ang makakagawa niyon, Kat.”
Tama si Erman, ganoon nga ang nangyari sa kanya. Pero hindi niya naintindihan ang nararamdaman niyang iyon noon kung hindi siya nag-research sa internet kung ano ang ibig sabihin ng nararamdam niya. Tinanong pa niya ang mommy niya tungkol doon, dahil alam niya nagsusulat ng romance novel ang mommy niya.
You’re in love, Jero… sagot sa kanya noon ng mommy niya.
“Ah, hindi na pala ako magtatagal. May dalawang bampira na aaligid dito sa condo para bantayan ka,” mamaya ay paalam ni Erman.
“Sige, salamat. Tutulong ako sa pagbabalita para maipaalam sa mga tao ang nangyayari,” ani Katrina.
Hinatid pa nito sa labas si Erman.
Pagbalik ni Katrina ay umupo pa ito sa sofa sa tapat ng kinukublian niya. Tahimik ito pero naririnig niya ang mahinang ring ng cellphone nito. Siguro may tinatawagan.
“Hello, Syn!” sabi nito sa kausap.
Si Syn pala ang tinawagan nito.
“Ahm, itatanong ko lang kung nandiyan ba ang kuya Jero mo?” anito.
Napalunok siya. Tagaktak na ang pawis niya. Nangangati na ang braso niya dahil sa alikabok.
“Ah, ganun ba? Wala naman. Sige, salamat. Pasensiya na sa istorbo.” Pinutol na nito ang linya.
Bakit kaya siya nito hinahanap? Napatingin siya sa paanan nito. May pinulot ito sa sahig. Napamata siya nang makitang pinulot nito ang bracelet niya na yari sa tinuhog na malilit na perlas. Nanggaling iyon kay Syn at sapilitang isinuot sa braso niya noong isang araw. Hindi niya naramdaman na napitas pala iyon. Siguro sa kakamadali niya para magtago.
“Bakit nandito ito? Ibinigay ko ito kay Syn, ah?” wika ni Katrina.
Nawindang siya. Ibig sabihin nagmula kay Katrina ang bracelet na iyon?
Narinig na naman niya ang mahinang tunog ng cellphone nito. May tinatawagan na naman.
“Pasensiya na ulit, Syn, may itatanong lang ako,” anito sa kausap.
Lagot na!
“Hindi ba ibinigay ko sa ‘yo ang ginawa kong bracelet na perlas? Bakit nandito na ito sa unit ko? Nagpunta ka ba rito kanina?” magkasunod na usig nito sa kausap.
Shit! Impit siyang napamura.
“Ha? Eh, paano napunta rito ang bracelet?” gilalas na tanong nito sa kapatid niya.
Biglang tumahimik si Katrina. Malamang nasabi na ni Syn na binigay nito sa kanya ang bracelet. Bumalikwas nang tayo si Katrina. “H-hindi naman nagpunta rito si Jero,” pagkuwa’y sabi nito sa kausap.
Mayamaya pa’y naglakad ito kung saang sulok ng kabahayan. Malamang hinahanap na siya nito. “Wala siya rito,” narinig niyang sabi nito.
Holy cow! Kailangan makalabas na siya bago pa nito maisipang sumilip sa ilalim ng sofa. Hindi siya makapag-teleport. Upang makatakas ay ginamitan niya ng telekinesis ang mga ilaw upang mamatay saglit. Ngunit nang mamatay ang ilaw ay biglang tumili si Katrina.
Napalabas siya bigla sa lungga niya. Nagulat siya nang may bumundol sa kanya. Napaupo siya sa sofa. Nawala siya sa konsentrasyon kaya nanumbalik kaagad ang ilaw. Nanlaki ang mga mata niya nang mamataan niya si Katrina na nakasalampak sa sahig. Namumutla ito habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.
“J-Jero!” bulalas nito.
Para siyang natuka ng ahas, hindi niya malaman ang gagawin at sasabihin. Bumalikwas nang tayo si Katrina.
“What the hell are you doing here?! Paano ka nakapasok?” namumurong tanong nito.
Tumayo siya. “Ahm, I-I just arrives. Hindi naka-lock ang pinto mo,” natatarantang sagot niya, na obvious nang nagsisinungaling siya.
Ang pamumutla ni Katrina ay nahalinhan ng pamumula−pamumula sa galit. “Do you know how to knock on the door? Anong hindi naka-lock ang pinto? Nai-lock ko iyon pagkaalis ni Erman! Don’t say kanina ka pa narito?” anito. Pumalatak na ito.
Nag-init ang dulo ng tainga niya, maging ang mukha niya. Hindi na niya alam kung paano magpaliwanag. Bakit ba siya napunta sa ganoong sitwasyon? Nakakahiya siya!
“Ahm, I’m sorry. G-gusto ko lang masiguro na ligtas ka pagkatapos kong malaman ang tungkol sa parents mo. Aalis din naman ako kaagad,” sabi na lamang niya.
Maya’t-maya ang buntong-hininga ni Katrina. Tumaas ata ang presyon nito dahil sa kanya. Namaywang ito.
“And this, is it yours?” anito pagkuwa’y ipinakita sa kanya ang bracelet na hawak ng kaliwang kamay nito. Naayos nito iyon.
Tumango siya. “Isinuot iyan ni Syn sa braso ko.”
“Then, what are you waiting for? You may go and please don’t do this again. Papatayin mo ako sa nerbiyos,” anito sa mahinahong tinig.
Dahan-dahan na siyang kumilos. Hawak na niya ang seradura ng pinto nang tawagin siya nito. Awtomatikong nilingon niya ito. Humahakbang na ito palapit sa kanya. Napabilis ang paghakbang nito at hindi tinitingnan ang dinadaanan.
Nagulat siya nang mag-dive ito sa kanya matapos patirin ng nagkalat na extension wire sa sahig ang paa nito. Napadikit siya sa pinto nang yumakap ito sa kanya. Sumubsob ang mukha nito sa dibdib niya. Nabigla siya kaya nangunyapit ang mga kamay niya sa maliit nitong baywang. Ang mga kamay naman nito ay mahigpit ang kapit sa magkabilang braso niya. Tamang-tama pag-angat nito ng mukha ay siya ring yuko niya.
Shit! What the−
Nawindang siya sa hindi inaasahang paghinang ng kanilang mga labi nang panandalian. Kahit sandali’y mabilis ang pagresponde ng bayolenteng init mula sa kanyang kaibuturan. Wari may libong boltahe ng kuryente na dumantay sa kanyang mga ugat.
NAHIMASMASAN si Katrina. Mabilis siyang lumayo kay Jero. Hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon ng puso niya sa panandaliang paglapat ng mga labi nila ng binata. Para siyang dinagukan kanina. Pero sa kabila ng inis niya kay Jero ay may ilang parte ng pagkato niya ang nag-uudyok sa kanya na huwag itong pagtulakan palayo sa kanya.
Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang sabihin. Dapat ba ay siya ang mag-sorry, o hahayaan na lamang niya itong umalis na walang sinabi? Mamaya’y iniabot niya rito ang bracelet. Iyon naman ang pakay niya kaya pinigil niya ito sa pag-alis. Ibabalik niya ang bracelet.
“This, take it. Ibinigay ko na ito kay Syn, at wala akong pakialm kung ibinigay niya sa iyo. Hindi ko ugaling bawiin ang bagay na ibinigay ko na,” matigas na sabi niya.
Walang imik na kinuha nito ang bracelet. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito. Iyon ang kinaiinisan niya. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito sa mga sandaling iyon. Tinalikuran na siya nito. Binuksan nito ang pinto at tuluy-tuloy ang paglabas, ni walang sinabi kahit isang kataga.
Pagkasara ng pinto ay nagtagis ang bagang niya. Naiinis siya, ewan niya kung bakit. Parang sumpa ang senaryo kanina na paulit-ulit na nangyayari sa balintataw niya. Dahil doon ay hindi na siya magupo-gupo ng antok. May isang oras na siyang pabiling-biling lang sa kama.
Mamaya ayy biglang tumunog ang cellphone niya na nasa kanyang tabi. Para iyon sa mensahe. Pagbukas niya’y naka-rehistro ang pangalan ni Jero, na siyang nagpadala ng mensahe.
Jero:
Sorry.
Inis na nag-reply kaagad siya.
Katrina:
Tulog na ako, istorbo ka!
Ang bilis ng reply ni Jero.
Jero:
Oh, sorry.
Tulog ka pala, paano mo nagawang mag-reply sa text ko? If you’re not interested to answer me, just ignore. Peace.
May sarkasmo ang sagot nito. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Hindi na niya magawang magtipa sa cellphone niya. Parang may kung anong naghahabulan sa loob ng dibdib niya. Kumislot siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone para sa tawag.
Shit! Bakit siya tumatawag? anang natatarantang isip niya. Tumatawag si Jero!
Wala sa loob na napindot niya ang answer key sa halip na cancel dapat ang pipindutin niya. Nagulat siya nang umalingawngaw ang boses ni Jero. Hindi niya namalayan na napindot niya ang key para sa loudspeaker dahil sa pagkataranta.
“Hi, Kat! Are you still awake?” bungad ni Jero.
Tulalang nakatitig lang siya sa kanyang cellphone kung saan nagsasalita si Jero. Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Nagugulat siya sa kanyang nararamdaman. Bakit biglaang ganoon? Ano’ng nangyayari sa kanya?
“Katrina, are you there?” pukaw ni Jero.
Nabikig na ang lalamunan niya. Nasaan na napunta ang taray niya? Para siyang binunutan ng dila.
“Fine. Kung ayaw mo akong kausapin, just press the end call button. Sleep well and good night,” sabi na naman nito.
Nakatitig lang siya sa cellphone niya na naka-hang pa rin ang tawag ni Jero. Kung kailan magsasalita na siya ay saka naman naputol ang linya. Kumagat-labi siya. In hell’s sake, she’s waiting for Jero’s call, hanggang sa makatulugan na lang niya ang cellphone na nakapatong sa kanyang puson.