BUMITIW si Katrina kay Aleng Shioning nang maglakad ito patungo sa kusina. Hindi na hamak ang kaba niya habang pinagmamasdan ang ginang. Nang nasa bukana na ito ng pintuan ay bigla na lamang may kamay na humatak dito papasok. Kasunod niyon ay ang malakas na sigaw nito.
“Tulong!”
May narinig pa siyang mga tinig na tila gutom na nilalang na kinasabikang lapain ang pagkaing natagpuan. Kahit nanginginig na sa takot ay lumapit pa siya sa pinto upang masilip ang nagaganap sa loob. Ganoon na lamang ang pagsalubong sa kanya ng kilabot nang mamataan si Aleng Shioning na pinapapak ng kanyang mga magulang ang bituka. Subalit hindi na normal ang anyo ng mga ito, kundi isang nakakahilakbot na halimaw. Mapuputla ang mga ito, payat na payat at may ilang parte ng mukha ang naaagnas. Namumutakti sa dugo ang bibig ng mga ito.
Kumislot siya nang mabaling sa kanya ang tingin ng kanyang ina, na lumubog na ang mga mata. Ang mga mata nito’y pulos puti na may ga-tuldok na lamang ang mga eyeballs. Kumilos ito upang tumayo. Ipinaalala niya sa sarili na hindi na ito ang kanyang ina kaya hindi dapat siya magpadala sa kanyang emosyon. Bago pa man ito makalapit sa kanya ay tumakbo na siya palabas ng kabahayan. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na maisara ang gate sa kabila ng labis na pangangatal ng kanyang katawan.
Dahil sa tindi ng takot ay natakbo niya mula roon sa bahay nila hanggang sa kanto. Doon ay may panaka-nakang dumadaan na pampasaherong jeep. Nang lulan na siya ng jeep ay saka pa lamang niya naramdaman ang matinding pagod. Hindi pa rin humuhupa ang kaba niya at nanginginig ang kanyang mga tuhod. Natotolero siya. Walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha habang inaalala ang nangyari sa kanyang mga magulang. Siguro kung naging kalansay na lang ang mga iyon nang madatnan nila ay mas matatanggap pa niya, ngunit hindi. Isa nang nakakakilabot na halimaw ang kanyang mga magulang. Mariin siyang pumikit at idinadalangin na sana ay isang masamang panaginip lang ang lahat.
Alas-diyes na ng gabi nakarating sa condo unit niya si Katrina. Pagod na pagod siya ngunit hindi niya dinamdam ang gutom. Hindi niya magawang kumain dahil sa hindi masikmurang senaryo na nasaksihan niya. Hindi panaginip ang lahat. Totoo ang na halimaw na ang kanyang mga magulang.
Dahil sa natuklasan ay tila hindi na normal ang mga nararamdaman niya sa bawat araw. Minsan ay naiisip niya na baka bigla na lang susulpot sa tabi niya ang kanyang mga magulang. Binabalot ng takot ang puso niya. Napa-paranoid na siya, hindi makatulog at nababalisa.
Dalawang araw siyang hindi pumasok sa trabaho. Pinag-iisipan pa niya kung dapat na ba niyang ipaalam sa awtoridad ang mga natuklasan niya. Pero hindi maaring manahimik lang siya. Hanggang sa huli ay napagpasyahan niya na lumapit sa Sangre Organization, ang grupo ng mga bampira na tumutugis sa mga halimaw na pumapatay sa lugar nila. Nawala sa loob niya na isa si Jero sa miyembro ng organisasyon. Si Erman ang nilapitan niya, dahil mas palagay siya na dito magsumbong.
Sinadya niya sa Harley’s resort si Erman. Nagkataong wala roon ang binata pero inilapit siya ng nangangalang Zack sa ama ni Erman na si Erron. Nadatnan niya sa opisina nito ang ginoo.
“Maupo ka, Ms. Santos,” kaswal na sabi sa kanya ng guwapong may-ari ng Harley’s resort. Tunay na hindi tumatanda ang mga bampira. Batang-bata pa rin ito tingnan.
Kung hindi dahil sa dugo nitong bampira ay iisipin niya na kapatid lamang ito ni Erman. Masyado itong seryoso pero magaan ang loob niya rito. Naalala niya, kapatid pala ito ng tatay ni Jero. Pagkuwa’y umupo siya sa katapat ng desk nitong silya.
“So, what can I do for you, Miss? May atraso ba sa iyo ang anak ko?” seryosong tanong nito.
Nawindang siya sa tanong nito. Baka iniisip nito ay may relasyon sila ni Erman.
“Ahm, w-wala po itong kinalaman kay Erman,” mariin niyang sagot. Pinagsupling niya ang kanyang mga kamay upang makontrol ang kaba. “Actually, siya sana ang gusto kong makausap. Magkaibigan kasi kami noong high school. Hindi po ba bahagi kayo ng Sangre Organization?”
“Yes,” kaswal nitong tugon. Humalukipkip ito at itinuwid ang likod. Diretso itong tumitig sa kanya. “Bakit, may idudulog ka ba sa amin?” pagkuwan ay tanong nito.
Wala pa ma’y nabuhay nang muli ang kilabot sa puso niya. “Ano kasi… ang mga magulang ko po…” hindi matuluy-tuloy na sabi niya.
Inilapit pa ni Erron ang mukha sa kanya sa interes na malaman kaagad ang kuwento niya. “Sige, ituloy mo lang, nakikinig ako,” anito.
“Ang mga magulang ko kasi ay namatay noong 2016 sa car accident and they buried at the backyard of our house in Cebu. Bumusita ako roon noong Linggo kasi death anniversary nila. Then, nadatnan kong nasira ang sementadong puntod nila,” inisyal niyang kuwento.
“What do you mean nasira?” curious nitong tanong.
“Kuwan, parang sinadya na tinibad ang puntod kaya nag-hire ako ng mga tao na gagawa. After noon, bigla na lang may nangyari.” Naging uneasy na siya nang maalala ang malagim na nangyari.
“Ano’ng nangyari?”
Hindi na niya napigil ang kanyang emosyon. Humagolhol siya. “Pinatay po ang mga kasama ko,” sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ng ginoo. “Pinatay? Who killed them?”
“Ang mga magulang ko. Nabuhay sila pero mga halimaw na. Kinain nila ang mga kasama ko.” Hindi siya tumigil sa pag-iyak.
“s**t!” he cursed. Marahas itong tumayo. “A-anong hitsura nila?”
“Nakakatakot na sila. Hindi naagnas ang buong katawan nila pero nakakatakot,” humihikbing kuwento niya.
Dagli’y nag-abot ng tissue paper si Erron sa kanya. “Okay. Sabihin mo sa akin ang address ng bahay ninyo sa Lapu-lapu nang mapuntahan namin. Naroon pa ba sila?” anito.
“Hindi ko po sigurado kung naroon pa sila.” Isinulat naman niya sa notebook na inabot nito ang address ng bahay nila. Nanginginig pa ang kamay niya habang nagsusulat.
“Sige. Pag-aaralan namin ang kaso ng mga magulang mo at makikipag-ugnayan din kami sa autoridad. Maraming salamat sa paglapit mo sa akin. Ang advice ko lang sa iyo ay huwag ka nang bumalik sa bahay ninyo. Ibigay mo rin sa akin ang current address mo nang mabigyan ka namin ng proteksiyon,” anito pagkuwan.
“Marami pong salamat,” aniya pagkatapos.
Paglabas niya ng opisina ni Mr. Harley ay dumeretso siya sa lobby. Tumambay muna siya sa nag-iisang sofa roon habang ikinakalma ang kanyang sarili.
“Katrina?” untag ng pamilyar na boses ng lalaki.
Pag-angat niya ng mukha ay namataan niya si Jero na nakatayo sa kanyang harapan. Saka lamang niya naalala na isa pala ito sa manager ng naturang resort. Hindi kaagad siya nakapag-reak dahil hindi pa siya nakaka-recover sa emosyon niya.
“What are you doing here?” tanong nito sa malamig na tinig.
“Ah, may kinausap lang ako,” sagot niya.
“Sino?”
Hindi niya ito nasagot nang biglang dumating si Erman. Nagulat siya nang bigla siya nitong lapitan.
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Erman, habang minamasahe ang kanang kamay niya. Siguro’y naramdaman nito ang panginginig niyon.
Marahang binawi niya ang kamay mula rito saka tumayo. “Ayos lang ako,” aniya.
“Tinawagan ako ni Daddy. Hinahanp mo raw ako. Sinabi niya ang mga nangyari sa iyo.”
Bumuntong-hininga siya. “Okay na ako,” sabi lang niya.
“Sigurado ka ba? Ihahatid na kita sa inyo. O kung okay lang sa iyo dito ka muna mag-stay sa resort.”
“Salamat na lang pero may pasok pa kasi ako mamaya.”
“Sige. Basta kapag kailangan mo ng tulong, huwag kang mag-aatubiling lumapit sa amin.”
Tumango lamang siya. Nang hindi na nagsalita pa si Erman ay nagpaalam na siya rito. Hindi niya pinansin ang presensiya ni Jero. Ngunit kung kailan palabas na siya ng malaking gate ng resort ay may kamay na pumigil sa kanang braso niya. Napilitan siyang huminto at hinarap ang lapastangang pumigil sa kanya. Nang malamang si Jero ang umabala ay marahas niyang binawi ang kanyang braso na hawak nito.
“Ano ang tungkol sa mga magulang mo?” curious na tanong nito.
“Wala, nasabi ko na kay Sir Erron,” mataray niyang sagot. Deep inside, she realized that Jero was right about his theory about her parents.
“Malalaman ko rin naman ‘yon dahil bahagi ako ng Sangre Organization.”
“So bakit ka pa nagtatanong sa akin?”
“Wala ka ba talagang tiwala sa akin?” usig nito.
“Matagal nang nawala ang tiwala ko sa ‘yo, Jero. Lalapit ako sa organisasyon ninyo pero hindi sa iyo,” pagmamatigas niya.
“Isa rin ako sa humaharap sa mga misyon. Sa ayaw mo’t sa gusto, tutulungan kita.”
“Marami lang tutulong sa akin, Jero. Malalagpasan ko rin ang problemang ito.” Tinalikuran niya ito.
“Hindi madali mag-isa sa buhay, Katrina. Galit ka pa rin sa akin. Ibig sabihin hindi mo pa tanggap ang nangyari,” anito na siyang pumigil sa mga paa niya sa paghakbang. “You’re impossible. I couldn’t believe that until now you’re still affected. Imposible na ganoon ka kaseryoso sa akin which is you’re too young to feel true love. I told you, it wasn’t true love. You’re just hungry for attention and love from another person that you never had since your parents has gone.”
Uminit ang bunbunan niya. Marahas niya itong hinarap. “Iyan din ang madalas kong sabihin sa sarili ko, Jero. Bakit nga ba hindi ko matanggap ang nangyari? Alam mo kung bakit? Dahil ang laking impluwensiya na naidulot mo sa buhay ko. I had lost my parents and relatives and I felt I’m alone and no one can care for me and love me like my parents do. Nawalan ako ng kompiyansa sa sarili ko, nawalan ako ng interes sa maraming bagay. Honestly, I still felt pain, pero hindi ko alam kung para saan ba talaga.”
“Ibig sabihin mahal mo pa rin ako?”
Naningkit ang mga mata niya pero wala siyang naging tugon. Nagkasya na lamang siyang titigan ang sersoyong mukha nito.
“I’m sorry if I can’t love you back, Katrina. Hindi ako namulat sa pagmamahal, sa halip ay poot, galit at pagkasuklam ang namulatan ko. Tumubo na ang normal maturity sa sistema ko bago ko natagpuan ang mga magulang ko. At sa panahong nakasama ko sila, nahirapan na akong mahalin sila kaagad. Kasi nasanay na ako na wala sila. Dahil sa katangian ko, naging mailap sa akin ang mga tao. Nahirapan din akong ituring silang kaibigan dahil namulat ako na ang mga tao ay pagkain. Kaya siguro hindi tayo magkaintindihan dahil magkaiba ang mundo natin. Pero kahit ganito ako, nakakadama rin ako ng sakit, pagkabigo at insecurity, Kat. Ikaw ang unang tao sa campus natin na nagbigay ng atensiyon sa akin since grade school, na hindi ako itinuturing na pathetic. Kaya nasanay ako na kasama ka. Kung nagawa kitang paibigin, sorry, hindi ko iyon sinadya,” mahabang sentimiyento nito.
Mabilis na nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito pero pilit itong pinagtutulakan ng pride niya. But pride can’t dictate her whole being, she still felt a little hope that everything would change. Siguro kailangan lang niya ng sapat na panahon upang malaman talaga kung ano ang hinaing ng puso niya aside of peace of mind and happiness. Hindi pa niya mahanap sa sarili ang space para kay Jero. Nabulag siya ng poot niya rito na inakala niyang naibaon na sa paglipas ng panahon.
“I have to go,” sabi lamang niya saka ito tinalikuran.
Nang may dumaang tricycle ay pinara kaagad niya saka nagmadaling sumakay. Okay na siya na walang Jero Harley sa buhay niya. Nakakaraos naman ang isang araw niya na wala ito. Pero ang tanong ay kung masaya na ba siya sa buhay niya na palaging nag-iisa?
ATAT nang makausap ni Jero si Erman pero kung saan-saan ito nagsusuot. Biglang nawala sa resort ang Tito Erron niya. Kung kailan gusto niyang pumunta sa Cagayan De Orp ay saka naman siya naiwang mag-isa sa resort. Tinawagan na lamang niya ang secretary niya upang ipa-cancel ang meeting niya sa mga opisyales ng Department of Tourism.
He’s still studying business. Nag-enroll siya ng Business Management course sa university pero dahil sa pagkaabala nila sa pagtukoy ng virus ay nag-online class na lamang siya. Last year lang siya nagtapos ng law course at kapapasa lamang niya sa katatapos na bar exam. Nakatatlong kurso na siya, una ay political science.
Hindi niya makontak ang daddy niya kaya mag-isa siyang pumunta sa CDO. Pagdating niya’y walang ni-isang opisyales ng organisasyon na naiwan. Si Hannah ang nadatnan niya sa mansiyon kasama si Marcos. Nagluluto ang dalawa sa kusina.
“Uy! Napadalaw ka, Kuya Jero!” nakangising bati ni Marcos. Parang bata na pinaglalaruan nito ang timpladong harena. Si Hannah naman ay abala sa paghihiwa ng karne ng manok.
“Nasaan ang iba?” tanong niya kay Hannah. Wala kasi siyang tiwala kapag si Marcos ang sasagot sa kanya.
“Nandoon sila sa academy. Hindi ko lang alam kung ano ang ginagawa nila,” sagot naman ni Hannah.
“Ganun ba? Sige, salamat. Pupunta na lang ako roon,” aniya saka iniwan ang mga ito.
Busy ang mga tao sa academy pagdating niya. Dumeretso siya sa laboratory kung saan nadatnan niya ang mag-amang Alessandro at Zyrus. Laman na ng laboratory ang mag-amang ito. Hindi na masyadong busy si Alessandro kaya ito na lamang ang nilapitan niya. Nakasuot lamang ng puting T-shirt si Alessandro, surgical mask and gloves.
“You’re here,” bungad nito sa kanya.
“I’m searching for Tito Erron. Hindi pa ba siya nagawi rito?” aniya.
“Nanggaling na rito si Tito Erron pero umalis din kaaagd kasama si Tito Dario.”
Ipinatong lang ni Alessandro ang hawak na test tube sa ibabaw ng mesa saka nagtungo sa pinu-proseso nitong dugo na nakasilid sa machine na parang coffee machine. Kumuha siya ng disposable cup saka isinahod sa munting gripo ng machine. Pagkuwa’y sabik niyang nilagok ang blood juice.
“Bakit ganito ang lasa?” tanong niya nang may malasahan siyang matamis sa dugo na nainom niya.
“Nilagyan ko ng wine. Ayaw kasing uminom ni Tita Martina ng dugo na puro,” ani Alessandro.
“Ang sama ng lasa,” komento niya.
“Sorry, hindi ko tinimpla ito para sa iyo. Ano ba ang kailangan mo at naparito ka?” pagkuwa’y sabi nito.
“Alam mo na ba ang tungkol sa parents ni Katrina Santos?” aniya.
Tiningnan siya nang diretso ni Alessandro. “Iyon ba ang sinasabi ni Tito Erron na posibleng affected ng rabbis ng aso na tinurukan ni Dr. Dreel ng rabia escota virus?”
“Yes but I’m not convinced yet if they are affected since we’re not sure if nakakahawa na noon ang virus noong nakagat ang biktima. It has curing time base on Tito Zyrus's statement.”
“Yes, but it was based only on the old formula that dad’s said.”
“Okay. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang naikuwento ni Katrina kay Tito Erron.”
“I don’t know. Ang alam ko lang ay pupuntahan nila ngayong gabi ang bahay nila ni Katrina sa Lapu-lapu kung saan umano ang mga magulang niya.”
Walang paalam na iniwan niya ang kausap. Gusto niya kasama siya sa makatuklas sa nangyari sa mga magulang ni Katrina. Matagal na niya iyong pinagkakainteresan.