Emilia’s POV “You are living here?” tanong nito habang namamasyal ang mga tingin nito sa paligid. Mula sa kaniyang mga tingin ay alam kong hindi niya nagustuhan itong lugar. Pangalawang beses na niya itong itinanong sa akin—kanina sa sasakyan at ngayon namang nakababa na kami. “Uh hmmm. Bakit, may mali ba sa lugar naming?” tanong ko sa kaniya. Sa labas nitong eskinita niya lang nakapark ang kaniyang sasakyan gayong hindi naman na niya iyon magawang dalhin nito papasok at sa harapan ng bahay namin. Kaagad akong huminto sa aking paghahakbang at ganoon rin siya. I faced him at itinuon na lamang ang paningin sa kaniyang mga mata. “Are you sure you really can sleep here? Sa una pa lang ay alam ko nang hindi mo na nagustuhan ang lugar na ito,” sambit ko sa kaniya. Mula sa kung saan ay bu