Kinabukasan pag baba niya para mag almusal bago pumasok sa eskwelaan nabanggit ng kasambahay na nakaalis na raw ang asawa niya, kaya naman mag isa na lang siya nag almusal. Natapos na ang usapan nila ng asawa kagabi, nagkasundo na sila sa annulment na gusto niya, although hindi niya expected na papayag agad ang asawa, buong akala niya pag-aawayan muna nila ito ng malala, pero pumayag ito agad, marahil para na rin maging malaya na ito at si Lexie. Ewan niya pero halos hindi siya makatulog magdamag sa kaiisip kung tama nga ba ang naging desisyon niyang makipaghiwalay na asawa. Halos isang buwan pa lang silang kasal at nagsasama pero sadyang napakarami ng nangyaring gulo at sakitan, masyado na siyang emotionally drain na para bang nais muna niyang lumayo at mapag isa. Pero sa kabila ng lah

