"Nasa bahay ako ni Nathan ngayon, dito niya ko iniuwi,' saad niya kay Inigo nang tawagan ang kaibigan para magpasalamat rito sa pagtulong nito sa kanya kagabi at pagbabantay nito sa kanya sa ospital dahil wala namang pakialam sa kanya ang asawa niya. "Oh.. Nariyan ka pala sa bahay niya,' tanging saad ni Inigo. "Yes, Inigo and this is against my will," tugon niya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama, lumakad patungo sa mag veranda para tignan kung ano ang view sa labas. Hindi rin naman kasi siya makapagpahinga sa dami ng kanyang iniisip, kaya naisipan na lang niyang tawagan si Inigo at mabuti na lang laging may free time para sa kanya si Inigo. "Against your will? So, ayaw mong magsama kayo ni Nathan?" Tanong sa kanya ni Inigo. "Yes, Inigo, ayoko na sana dahil-" Hindi niya naituloy ang

