"Tomorrow pala ang alis natin papuntang Europe para sa honeymoon natin," Nathan said na hindi man siya nito sinusulyapan. Alam niyang honeymoon trip to Europe ang regalo ng parents nila sa kanila, matagal na kasing binanggit iyon sa kanya ng Mama niya na lagi pa nitong sinasabi na dapat pagbalik nila ni Nathan galing Europe may apo na ito. As if naman na ganon lang kadali ang lahat, lalo na sa kanya na estudyante pa rin. Hindi naman porke nakapag asawa na siya ng mayaman hindi na niya itutuloy ang pag-aaral niya, kahit pa na siya ang tanging tagapagmana sa pamilya nila nais pa rin niyang matapos ang kanyang pag-aaral. Buong akala rin niya hindi na matutuloy ang honeymoon trip nila ng asawa dahil sa pag iwan nito sa kanya sa penthouse. "Itutuloy pa ba natin ang pag alis, alam naman natin

