Matapos ang kanyang klase nagtungo siya sa mall para bilhan ang Mommy niya ng paborito nitong bulaklak at cake na rin. Pupunta kasi sila ni Nathan sa bahay ng parents niya para doon mag dinner. Nakapag desisyon siyang hindi niya ipapaalam sa mga magulang ang nangyari sa kanya, bilang isang eighteen years old na may asawa na, hindi na siya responsibilidad pa ng mga magulang niya, nariyan na lang ang mga iyan para gabayan siya at dahil na rin sa sobrang laki ng tiwala ng mga ito kay Nathan kaya naisip niyang baka magduda pa ang mga ito pag nagsumbong siya. Mabuti na rin sigurong manahimik na lamang siya habang patuloy na iniisip ang susunod niyang gagawin sa pagsasama nilang ito ni Nathan. Matapos niyang makabili ng mga kailangan niya naisipan niyang dumaan na muna sa coffee shop para bumil

