Matapos silang magkape at makapag usap ni Inigo agad na rin siyang nagpaalam sa kaibigan. Nakuha na rin niya ang kasagutang nais niyang malaman mula kay Inigo, iyon ay kung may gusto ba sa kanya ang kaibigan at kung mahal ba siya nito, at oo ang sagot nito sa kanya. Naniniwala siya kay Inigo, dahil nakita naman niya sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo sa kanya. At least may option na siya kung sakali man. Sinabi rin kasi sa kanya ni Inigo na tanggap siya nito kahit ano pa man siya at handa siya nitong tanggapin kung sakaling hindi mag work out ang pagsasama nila ni Nathan. Eighteen pa lang siya, napakabata pa niya at kung sakali nga na magdesisyon na siyang hiwalayan ang asawa, nariyan si Inigo para sa kanya, well, sana makapaghintay si Inigo kung talagang mahal siya nito. Pagdati

