"Ellie, kanina ka pa tahimik diyan," puna sa kanya ng Mommy niya habang nasa hapag kainan na silang apat at masiglang nakikipag kwentuhan ang Daddy niya kay Nathan. Katabi niya ang asawa na maganang kumakain habang siya halos hindi niya makayang lunukin ang kanyang kinakain. Napapaisip nga siya kung paano nagagawa ng asawa ang ganito na umarteng walang ginagawang mali. Sadyang makapal ang mukha nito dahil matapos nitong makipagkita sa kabit nito nagawa pa nitong makiharap sa mga magulang na para bang ang ganda ng trato nito sa kanya. Ibang klase din talaga. "Ellie, may problema ba?' Tanong ni Nathan sa kanya nang lumipas ang ilang segundo hindi siya kumikibo. Sinulyapan niya ang asawa at nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok pa siya at nalipat ang tingin sa mga magulang niya na kapwa

