"Ano pong sinabi niyo?!" Gulat na bulalas ni Nathan.
"Nathan, anak,' malumanay na tawag ng Mama ni Nathan rito. Napasulyap siya kay Nathan na nakakunot ang noo at bakas sa gwapong mukha nito na naguguluhan ito sa nangyayari.
"Hijo, matagal na naming napagkasunduan ang tungkol rito, mga bata pa kayo ni Ellie at ngayon naming naisipang sabihin na sa inyo ang tungkol rito," paliwanag ng Mama ni Nathan na kahit nasa middle aged na napakaganda pa rin nito, parang ang Mommy niya na madalas ngang mapagkamalang magkapatid lang sila ng Mommy niya.
"Pero, Ma, you can't just do this to us, na basta na lang kayo mag desiyon para sa amin nang wala kaming kaalam-alam," Nathan said. Sa tono ng pananalita nito nahimigan na niyang against ito sa plano ng mga magulang nila.
Humugot siya ng malalim na paghinga at nagyuko ng ulo. Kung siya ang tatanungin everything is fine, ito ang kasagutan sa pangarap niya kung paano mapapasakanya si Nathan, pero mukhang tutol si Nathan.
"Nathan!" Sita ng Papa ni Nathan rito.
"Well, much better siguro kung mag-usap na muna kayo at mag-uusap din muna kami ng anak namin,' saad ng Daddy niya. Nag angat siya ng ulo at tumingin sa mga nasa harapan, wala siyang kibo, hindi niya alam kung ano ang sasabihin, pero deep inside nagbubunyi siya, masaya siya, dahil kung matutuloy ang plano ng mga magulang nila, magiging asawa niya si Nathan, at soon magiging Mrs. Nathan Leviste siya, iyan naman talaga ang kanyang pangarap, na sana magkatotoo na nga.
"Pagpasensyaan niyo na si Nathan, nabigla lang siya," paumanhin ng Mama ni Nathan.
Sinulyapan niya si Nathan at nagtama ang kanilang mga mata, iniling nito ang ulo at hindi nakaligtas sa kanya ang pag igting ng panga nito, at alam niyang pag umiigting ang panga nito at naiinis na ito at nagsisimula na itong magalit. Sa tagal na niyang kasama si Nathan kabisado na niya ang bawat kilos nito, dahil nga lihim niya itong minamahal kaya inaaral niya ang bawat kilos nito.
"Sige mag-uusap muna kaming mag anak about this, at kayo rin pag-usapan niyo na ang mga dapat pag-usapan, para sa muling pag-uusap nating lahat maayos na at nagkakaintindihan na tayo,' litanya ng Papa ni Nathan.
Sumangayon naman ang lahat sa sinabi ni Mr. Leviste at sinabi pang kaya daw pinagharap-harap na sila ngayon para ma aware na daw silang dalawa ni Nathan, about sa plano ng mga ito mula noong ipanganak sila ni Nathan. Naikwento pa nga ng mga ito na kay Inigo nga daw siya dapat ipagkakasundo iyon nga lang malaki daw kasi ang agwat nila ni Inigo na six years kaya kay Nathan siya naipagkasundo. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa nalaman niyang ito, na para bang mga batang naglalaro ang kanilang mga magulang at silang mga anak ng mga ito ang pinaglalaruan nila.
"Baka po pwedeng huwag niyo na lang pong ituloy pa kung ano man po ang napagkasunduan niyo at hayaan niyo na lang po kaming mag desisyon para sa sarili namin, lalo na't future po namin ang nakasalalay rito,' kalmadong saad ni Nathan.
Nanatili siyang tahimik at nakikinig lang sa mga ito, hindi naman kasi siya tutol sa plano ng mga magulang nila. Kung pwede nga lang kahit mamaya ikasal na sila agad ni Nathan papayag siya, at least magiging asawa na niya ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. Saka na niya iiisipin kung paano niya mapapa ibig si Nathan. Madali na lang naman iyon pag mag asawa na sila ni Nathan at magkasama sa iisang bubong. Sa kanyang naiisip na e-excite siya. At hindi na niya pansin ang pinag-uusapan ng mga kasama niya roon. Basta ang sentro ng kanyang isip ay magiging asawa niya si Nathan
"Nathan, anak, nakakahiya kina Mr. and Mrs. Francisco,' saad ng Mama nito.
"Pero nasa modernong panahon na po tayo at hindi na uso ang fixed marriage na ginagawa niyo. Beside tinanong niyo po ba muna kami ni Ellie kung ok lang sa amin ang plano niyo!" Ramdam niya sa bawat salita ni Nathan ang galit, hindi talaga ito sangayon sa nais ng mga magulang nila.
Sinulyapan siya ni Nathan at tinawag ang kanyang pangalan, napalunok siya at kinabahan ng todo, baka kase tanungin siya nito at hindi siya maglilihim na nais niyang maikasal rito, magalit na ito sa kanya o ano pa man, pero sasabihin niyang sangayon siya sa gusto ng mga magulang nila.
"Ellie, say something," Nathan said to her.
"Ah.. eh..."
"Tama na iyan," putol ng Papa ni Nathan sa pautal-utal niyang sasabihin.
"Mabuti pang kausapin na muna natin ang mga bata, saka natin itakda ang engagement nila,' saad pa ni Mr. Leviste. Napalunok siya at lihim siyang natuwa sa sinabi nito. Alam niyang may pag-asa pa. As long as paninindigan ng mga magulang nila ang pagnanais na maikasal sila ni Nathan sila siyang magiging problema.
"Mabuti pa nga,' segunda ng Daddy niya at tumayo na sa kinauupuan. Tumayo na rin ang Papa ni Nathan at Mama nito saka nag-usap ang mga ito at ang Daddy niya. Hindi na rin nakapag salita pa si Nathan, siguro ay hahayaan na muna niya ngayon.
Nagsiyayahan na silang lumabas ng opisina kaya naman sumunod na siya sa mga magulang niya, hindi na niya nagawang sulyapan si Nathan dahil paniguradong ma o-offend lang siya sa itsura nito na nakasimangot na para bang hindi nito kayang tanggapin na pakasalan siya.
"Can we talk,' seryosong saad sa kanya ni Nathan nang magsabay sila nito sa paglalakad at nasa unahan naman ang kanilang mga magulang.
""Huh?" Tanging nasabi niya.
"We need to talk, Ellie this is serious,' Nathan said to her.
"Ah.. Eh.. Now?' She asked. Kabado siya, lagi namang ganito ang puso niya basta kaharap ang lalaking mahal niya.
"Hmmm,' tanging tugon nito sabay tango sa kanya.
Alam niya kung ano ang pag-uusapan nila ni Nathan at natatakot siyang marinig ang pagtanggi nitong pakasalan siya. Birthday pa naman niya ngayon at kung ma bo-broken hearted siya sa mismong birthday niya, huwag na lang niya itong kausapin muna, hayaan muna niyang lumamig ang lahat.
"We need to talk, Ellie now! As in now!" Maotoridad nitong saad sa kanya. Buong buhay niya na kasama niya si Nathan ngayon pa lang niya narinig ang ganoong tono nito sa kanya. Napalunok na lang siya at walang nagawa kundi banayad na tumango rito.