Matapos ang party niya agad na ring nagsi uwian ang mga bisita niya, pati na si Lexie na sumabay na sa Mommy at Daddy nito, kasunod na ring umalis ang parents ni Inigo at hindi na rin nagtagal nagpaalam na si Inigo sa kanya tanging naiwan na lang ang parents ni Nathan at si Nathan. Baka dahil late ang dating ni Nathan kaya hindi ito agad umuwi ang parents naman nito masaya pang nakikipah chikaan sa parents niya.
"How's your party?" Tanong sa kanya ni Nathan habang may hawak ito ng kopita na may lamang alak. 20 na ito kaya pwede na itong uminom ng alcohol, siya hindi pa pinagbabawalan pa siya, sa kanilang magkakaibigan siya na lang ang hindi pa allowed uminom, pero two years na lang naman at makakainom na rin siya, although pasikreto naman siya tumitikhim hindi lang siya nagpapahuli sa Mommy at Daddy niya. Pagdating kasi sa ganoong bagay may pagka strict ang parents niya and she understands that, mahal siya ng mga ito at dahil nag-iisang anak lang siya kaya over protective ang mga ito sa kanya, kaya nga mahal na mahal niya ang mga ito.
"Of course I'm happy, this is exactly what I planned a month ago," tugon niya at uminom sa baso niyang may orange juice. Ngumiti naman si Nathan sa kanya at tumango-tango.
"Ikaw kumusta naman ang pagiging office boy mo? Oops.. Office guy na ba or man," biro niya rito.
"Well, exhausted. Hindi siya ganoon kadali lalo na't mataas ang expectations sa akin ng Mama at Papa," Nathan answered. Tumango siya rito habang hindi maiwasang mapatitig sa gwapong mukha nito.
Si Nathan ang tipo ng lalake na unang sulyap pa lang mapapaulit ka ng sulyap iyun bang uulit-ulitin mo siyang susulyapan sa sobrang gwapo nito at kinis. Yes, makinis ito na para ba itong babae sa sobrang kinis ng mukha at balat nito, although may beard na hindi maiiwasang tumubo around his face, still he is handsome ans neat. Hindi na siya magtataka pa kung bakit matagal na siyang nahulog sa karisma nito. Dalawang taon na lang naman ang hihintayin na niya at aamin na siya kay Nathan, wala siyang pakialam kung ano man ang maging tugon nito sa kanya ang mahalaga nasabi niya at naipagtapat niya ang feelings niya para rito. Sa edad niyang 16 ligawin na siya, marami na siyang na basted na mga kaklase at mga ka eskwela. Once na nagpaparamdam na sa kanya agad na niyang tinatapat at sinasabing hindi pa siya pwedeng mag boyfriend. Ayaw niya iyung paaasahin pa ang tao tapos at the end wala ring mapapala. And also hindi siya tumatanggap ng ano mang regalo galing sa mga nagkakagusto sa kanya. She is a spoiled princess sa parents niya pati na sa mga kaibigan niyang lalake, lalo na kay Inigo, kaya mayroon na siya ng lahat at wala na siyang kailangan pa. Hindi siya nag e- entertain ng manliligaw dahil ayaw niya, ni reserved na niya ang sarili niya para kay Nathan, bata pa siya iyon na ang nakatatak sa isipan niya, na si Nathan ang lalaking para sa kanya, ito ang magiging boyfriend niya at magiging asawa pag nasa tamang edad na sila at bubuo sila ng kanilang pamilya. Iyon nga lang kung paano mangyayari ang lahat ng iyon ay hindi pa niya alam, basta sa isip niya mangyayari iyon.
"Masasanay ka rin, look at Inigo sanay na sanay na siya,' she said.
"Yeah, wala naman akong choice, walang maasahan sina Mama at Papa sa business," Nathan said.
"Nathan, Ellie!" Tawag sa kanila ng Mommy niya. Sabay pa sila ni Nathan na napalingon sa dako ng Mommy niya na nakangiti sa kanila.
"Halina muna kayo," saad nito.
"Kami po ni Nathan, Mommy?' She asked.
"Yes, you and Nathan, may sasabihin lang kami sa inyo," tugon ng Mommy niya.
Sinulyapan niya si Nathan na nakatingin sa Mommy niya at niyaya na niya ito na lumapit para malaman kung ano ang sasabihin nito. Sana na lang hindi sila uutusan na tumulong sa pagliligpit ng kalat, pagod na siya sa kaka entertain ng mga bisita kanina pa.
Sabay sila ni Nathan na lumapit sa table kung nasaan ang mga parents nila.
"Much better kung sa loob natin pag usapan ito,' saad ng Daddy niya.
"Oo nga sa office muna Dad," saad ng Mommy niya.
"Sige, sige," saad naman ng Papa ni Nathan.
Napakunot ang kanyang noo kung bakit kailangan pang sa loob pag usapan kung ano man ang nais ng mga itong sabihin sa kanila.
"What do you think? Ano ang sasabihin nila sa atin?" Tanong niya kay Nathan habang naglalakad kasunod ang mga magulang nila na nagtatawanan pa habang nagkukwentuhan.
"No, idea," tugon ni Nathan sa kanya.
Tahimik na lang silang sumunod sa opisina ng Daddy niya at lihim siyang natutuwa dahil nakasama pa niya ng mas matagal si Nathan. At least masaya siya ngayong birthday niya. Pasimple niyang hinaplos ang necklace na bigay ni Nathan sa kanya ang heart na pendant ang hinaplos niya na para bang iyon ang puso ni Nathan at hawak niya.
"Maupo kayo, Nathan, Ellie," saad ng Daddy niya nang makapasok na sila sa loob ng opisina nito. Kahit medyo nagtataka sa galawan ng mga magulang nila ni Nathan sumunod pa rin siya. Naupo siya sa sofa na naroon at tumabi sa kanya si Nathan, naupo naman ang mga magulang nila katapat nila.
"Bakit po parang meeting," she said habang pinaglilipat-lipat ang mga mata sa mga nasa harapan niya at sinulyapan si Nathan na kalmado at kampanteng nakaupo sa tabi niya.
"Sino ba sa atin ang unang magsasabi sa mga bata?' Tanong ng Papa ni Nathan.
"Ano po ba ang sasabihin niyo?' Tanong ni Nathan na nagsisimula na ring magtaka sa kinikilos ng mga magulang nila.
"Mabuti pa na kayong ama ang magsabi sa kanila, para mas maiintindihan ng mga bata," malumanay na saad ng Mama ni Nathan. Sinulyapan niya ang magandang ginang at ngumiti ito sa kanya.
"Ano po ba ang nangyayari?" Tanong niya sa mga ito.
"Sige ako na muna ang magsisimula,' saad ng Papa ni Nathan na sinangayunan ng mga naroon.
Sinulyapan niya si Nathan na katulad niyang walang idea at medyo nalilito sa nangyayari at kinikilos ng mga magulang nila.
"Sabihin niyo na po,' saad ni Nathan.
"Well," simula ng Papa ni Nathan.
"This is about you kids. And this is for your own good, kayong dalawa," saad ng Papa ni Nathan na tila lalong nakagulo at wala siyang maintindihan kung saan papunta ang sasabihin nito.
"Matagal na naming plano ito, wala pa nga kayo nakaplano na ang lahat ng ito. And now nasa tamang edad na kayo pareho, kaya it's time na malaman niyo na ang matagal na naming plano," saad ng Papa ni Nathan.
Walang ibang kumikibo pero panay tango ng mga naroon sa sinasabi ng Papa ni Nathan, so ibig sabihin sangayon ang mga ito ano man ang sabihin nito.
"Ano po ba ang tinutumbok niyo Papa?" Seryosong tanong ni Nathan sa Papa nito. Tahimik naman siyang nakamasid sa mga naroon, at wala siyang maisip kung saan nga ba patungo ang usapan nilang ito.
"We decided na ngayon na nating gawin ang engagement niyo ni Ellie, Nathan," tugon ng Papa ni Nathan.
"What?!" Bulalas nilang pareho ni Nathan.
"Nais namin na kayo ni Nathan ang magkatuluyan, Ellie,' saad ng Daddy niya.