"Finally, dumating rin ang prinsepe," anunsyo ni Inigo habang nakaupo silang dalawa nito sa gilis ng swimming pool at nakababad ang kanilang mga paa, pinapanood nila ang ilang mga naliligo sa pool.
Mabilis niyang nilingon ang entrance at napangiti siya nang makita si Nathan. Bumilis agad ang t***k ng kanyang puso nang magtama ang mga mata nila ni Ethan at kumaway ito sa kanya na para bang nagbigay signal sa puso niya na kumabog at bumilis ang t***k.
"Nathan," masiglang niyang saad sa pangalan ng binata at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo na para bang wala na siyang ibang nakikita kundi si Nathan lang. Malapad ang kanyang ngiti habang sinasalubong ang pinaka importanteng lalake sa buhay niya. Si Nathan ang lalaking matagal na niyang pinapangarap na mapasakanya, at sa bawat taon na nadagdagdagan ang kanyang edad napapalapit na rin ang paghahanda niya para maamin rito ang kanyang damdamin. Tanging siya at si Lexie pa lamang ang may alam na may matindi siyang crush kay Nathan. Well, para sa kanya hindi lang iyon basta crush, dahil alam niyang mahal na niya si Nathan noon pa man.
"Happy Birthday, Ellie,' bati sa kanya ni Nathan nang makalapit siya rito.
"Thank you for coming, Nathan,' pasalamat niya at niyakap ang kaibigan ng mahigpit. Pinikit pa niya ang kanyang mga mata para mas ma feel niya ang pagyakap rito na kung pwede nga lang ay huwag ng matapos pa. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid nila, ang mahalaga lang sa kanya ay si Nathan.
"Sorry, na late ako sa party mo," paumanhin pa nito sa kanya.
"Ok lang iyon, nagsisimula pa lang naman,' tugon niya rito.
"Oh.. Bago ko makalimutan,' Nathan said at may kinuha ito sa bulsa nito.
Napangiti siya ng may maliit na kahon itong kinuha sa bulsa nito. Nakabalot pa iyon ng pula.
"For you, Ellie. Happy Birthday," bati nito muli sa kanya at iniabot ang pulang box sa kanya.
"Wow... Thank you, Nathan,' pasalamat niya at tinanggap ang regalo nito sa kanya.
"What is it?" She asked na hindi nabubura ang ngiti sa kanyang labi.
"Open it," Nathan said. Nakangiti niyang binuksan ang regalo sa kanya ni Nathan. Taon-taon naman hindi nakakalimutan ni Nathan na bigyan siya ng regalo sa Birthday niya, at laging special ang regalo nito sa kanya, at ganun rin naman siya rito tuwing Birthday nito pinaghahandaan niya talaga ang regalo niya para rito.
"Wow....," bulalas niya nang makitang necklace ang laman ng box. Gold iyon na may heart na pendant.
"It's beautiful, Nathan. Thank you so much," pasalamat niya rito.
"Wear it," Nathan said at kinuha sa kamay niya ang kwintas para ito na ang magsuot sa kanya. Mabilis siyang tumalikod para hindi ito mahirapan na ipasuot sa kanya. Tinipon na rin niya ang kanyang buhok.
Habang sinusuot ni Nathan sa kanya ang necklace napansin niyang nakatingin sa kanila si Inigo. Ngumiti siya sa kaibigan, tumango naman ito sa kanya. Kahit nasa malayo si Inigo pansin niyang blanko ang gwapong mukha nito, walang ekspresyon. Hindi na lang niya pinansin iyon. Ang mahalaga magkalapit sila ni Nathan ngayon. Halos magkadikit na nga sila, at nararamdaman niya ang mainit nitong paghinga, isama pa ang napakabango nitong mens cologne na tumatak na sa kanya, dahil mula pa naman noo iyon na ang gamit na cologne nito.
Sa tuwing ganito sila kalapit ni Nathan sa isat-isa,
"Bagay sa party dress mo,' Nathan said matapos nitong maisuot sa kanya ang necklace. Nakangiti niyang hinawakan ang heart na pendant ng kwintas. Para sa kanya iyon ang puso ni Nathan at binibigay na nito sa kanya ang puso nito.
"Thank you so much, Nathan," nakangiting pasalamat niya.
"Halika na kumain ka na muan, maraming pinahanda si Mommy," she said at sinamantala na rin niya ang pagkakataon para mahila ito at mahawakan ang kamay nito.
Hila niya ang kamay ni Nathan habang patungo sila sa may buffet na pinahanda niya. Tinawag pa ito ni Inigo at kumaway naman si Nathan kay Inigo.
Bago pa nila narating ang buffet nadaanan nila ang table ng kanilang mga magulang na nagsama-sama. Kumpleto ang mga parents nila na nagkakasiyahan din. Nariyan ang Mommy at Daddy ni Lexie, Mama at Papa ni Inigo at syempre nariyan din ang Mama at Papa ni Nathan na super close sa Mommy at Daddy niya. Sa tuwing makikita nga niyang magkasama ang mga magulang nila napapaisip siya na baka may niluluto ang mga ito para sa kanila ni Nathan, iyung kagaya ba ng mga napapanood niya sa telenovela na pinagkakasundo ang kanilang mga anak, iyung ganon. Pero malabong mangyari iyon, kaya siya na lang ang kikilos para mapasakanya si Nathan. 16 na rin naman siya ngayon at dalawang taon na lang 18 na siya at pwede na niyang aminin ang feelings niya para kay Nathan.
Nang lumapit sila sa table ng mga magulang nila kinawit na niya ang kanyang kamay sa braso ni Nathan na para bang mag jowa sila, sanay naman na si Nathan na may pagka clingy siya rito, well, hindi lang naman siya kay Nathan ganon kung minsan ganon rin siya kay Inigo. Wala namang malisya iyon dahil magkakaibigan sila at sabay-sabay silang lumaki.
Panay ang puri ng mga ito kay Nathan, magaling naman kasi ito pagdating sa negosyo. Twenty pa lang ito pero businessman na businessman na ang skills nito at kaya niyang makipag sabayan sa mga magagaling sa negosyo.
"Mom, Dad, hindi pa po kumakain si Nathan," saad niya nang excited pa ang Mommy at Daddy niya na makipag kwentuhan kay Nathan.
"Sige na Nathan kumain ka na muna,' nakangiting saad ng Mommy niya.
"Nathan let's go," she said. Nag excuse naman si Nathan sa mga ito at lumakad na sila nito muli.
"Pasensya ka na kina Mommy at Daddy, ganyan kase ang mga iyan dahil gusto nilang magka anak na lalake katulad mo," she said at inabutan niya ito ng plato at kumuha na rin siya ng para sa kanya, hindi pa rin kasi siya kumakain dahil nga hinihintay niya ito at nais niya itong makasabay sa pagkain
"Ang Mama at Papa ko naman gusto nilang magka anak na katulad mo," nakangiting saad ni Nathan sa kanya.
"Ang weird ng mga parents natin,' she said habang magkasunod sila nitong kumukuha ng pagkain.
"Hi, Nathan, buti dumating ka," saad ni Lexie na lumapit sa kanila at kumuha na rin ng plato para sumabay sa kanila. Hindi pa rin ito kumakain dahil busy sa pagkikipag chicka sa mga bisita. Pinandilatan niya ito ng mga mata para malaman nitong bawal muna itong sumabay sa kanila ni Nathan.
"Hi, Lexie, medyo busy sa opisina kaya na late," tugon ni Nathan rito.
"Mamaya na lang pala ako kakain, magswi-swimming pala muna ako,' Lexie said at mabilis na itong kumaripas ng takbo palayo sa kanila. Mabuti na lang at na gets nito ang gusto niyang mangyari. Nais niyang masolo si Nathan kahit saglit lang.