Nakaraan Chapter > 5

1121 Words
NAKARAAN; "Happy sweet 16th Ellie," bati sa kanya ni Inigo nang dumating ito sa pool party niya sa rooftop ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya niya. Ngayong 16th birthday niya pinili niyang mag celebrate sa hotel nila sa may swimming pool sa rooftop para maiba naman, lagi na lang kasing party sa bahay o di kaya sa mga event hall, at least ngayon kakaiba pool party siya kaya pang swimming ang theme ng party niya. And also this time kaunti lang ang invited sa party niya, iyung close lang talaga niyang mga kaibigan at kaklase, hindi na niya gusto ang crowded na party unlike before, parang wala man ngang 20 sa bisita niya, dahil ang ang tunay at totoo lang sa kanya ang invited. Of course, present si Inigo dahil matagal na niya itong kaibigan since mga bata pa sila. Si Lexie ang tinuturing niyang bestfriend at pinagkakatiwalaan niya and si Nathan, si Nathan na childhood crush niya magpahanggang ngayon. Sa lahat ng lalaking nakilala niya at naging malapit sa kanya si Nathan ang pinaka kakaiba, si Nathan ang pinaka espesyal para sa kanya. "Thank you, Inigo,' pasalamat niya kay Inigo at niyakap ang kaibigan ng mabilisan lang. "Where's Nathan?' Tanong niya sa kaibigan nang mapansing wala itong kasunod. Madalas kase magkasabay na dumarating ang dalawa sa bawat party na puntahan nilang magkakaibigan. Iba-iba ang age nilang apat pero dahil sabay-sabay silang lumaki sa isang Subdivision at magkakaibigan ang kanilang mga magulang eh para na rin silang magkaka edad sa sobrang close nilang apat sa isat-isa. Dahil na rin sa friendship nila kaya hindi pa niya inaamin kay Nathan ang feelings niya para rito, pero sinabi na niya sa best friend niyang si Lexie ang tungkol sa pagkakaroon niya ng crush kay Nathan mula pa noong mga bata pa sila, at mapagkakatiwalaan naman si Lexie kaya hanggang ngayon safe pa rin ang secret niya. "Nakausap ko siya kanina habang papunta rito, nasa opisina pa daw at may tinatapos na trabaho,' paliwanag ni Inigo sa kanya. Sa kanilang apat si Inigo at Nathan ang hindi na nag-aaral at nagpapatakbo na ng family business ng mga ito. Si Lexie nasa kolehiyo na ng San Miguel University at siya naman ay high school pa lang at soon katulad din nina Inigo at Nathan ay magpapatakbo din sila ni Lexie ng negosyo ng kanilang mga pamilya. Silang apat walang mga kapatid, lahat sila mga solo anak, kaya naman todo bantay at alaga sa kanila ang kanilang mga magulang, dahil sila lang naman ang magmamana sa kayamanan ng kani-kanilang mga magulang. "Aawww.. Anong oras naman kaya makakarating iyon,' simangot niya. Naghanda kasi siya para kay Nathan, para mapansin siya nito. Suot na pa naman niya ang red birthday dress niya na perfect sa pool party na inayos niya. Si Inigo naman nakasuot ito ng white polo and khaki short, fits sa pool party event niya. "Don't worry, Ellie darating iyon panigurado, iyon pa ma miss ang birthday party mo," Inigo said sabay gulo pa nito sa buhok niya na para siyang bata. "Inigo, ano ba!' Saway niya sa kaibigan at inalis ang kamay nitong nasa ulo niya. "Damn, hindi ka na bata Ellie huh!" Inigo said. "Sixteen na ko, so, obviously hindi na ko bata,' simangot niya habang inaayos ang buhok niyang ginulo nito. "Yeah, look at you, sweet sixteen eh," Inigo said. Iniling na lang niya ang ulo. Sanay na siya sa mga hirit ni Inigo at madalas sila nitong mag asaran, para niya itong Kuya na laging kaaway at kaasaran. "Ellie!' Sigaw ni Lexie sa pangalan niya. Tumili siya ng makita ang best friend niya na papalapit na sa kanila ni Inigo. Lagi silang ganito ni Lexie sa tuwing magkikita na para bang isang buwan o isang taon sila nitong hindi nagkita at excited na excited sila sa isat-isa. "Happy birthday Ellie!" Bati sa kanya ng kaibigan at niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you so much, Lexie," pasalamat niya habang magkayakap pa rin sila at nakatayo pa rin sa tabi nila si Inigo na pinapanood sila ni Lexie habang nagyayakapan. "Parang kahapon lang magkasama kayong nag mall, tapos ngayon parang ang tagal niyong hindi nagkita kung maakaarte,' bulong ni Inigo. "Gawin mo rin kasi kay Nathan," Lexie said. "Huwag na!" Agad na tanggi ni Inigo sala sila nagtawanang tatlo. Halos dumating na ang mga bisita at si Nathan na lang ang tanging wala pa. Naroon na rin kasi ang mga magulang nila at ine enjoy na ng mga ito ang kwentuhan, kumpleto na sana sila iyon nga lang wala pa si Nathan. Kilala niya si Nathan hindi naman ito na le-late sa mga ganitong party, lalo na sa birthday niya. Isa pa naka chat naman niya ito kanina at ni remind rito ang oras ng party. Well, sabi nga ni Inigo mat tinatapos pa ito sa opisina, baka nga busy lang pero darating naman ito, well sana dumating. Kahit wala si Nathan sinimulan na nila ang party dahil wala naman ng ibang bisita pa ang wala, at naroon na ang lahat ng invited niya. "Bakit wala pa si Nathan?" Usisa ni Lexie nang kumakain na sila at ang ibang bisita nasa swimming pool na at nagliligo. Ayaw pa niyang maligo dahil nais muna niyang ipakita kay Nathan ang suot niya, pag nabasa na siya naka mabura na rin ang make up niya at magulo ang kanyang buhok na pinaayos pa talaga niya para sa gabing ito. "I don't, know," simangot niyang tugon. "Relax, darating iyon, hindi niya gagawin sa iyo ang hindi pag sipot sa birthday party mo," Lexie said to her. "Yeah, I know darating siya,' tugon niya sa kaibigan at napasulyap sa entrance pero wala pang Nathan na parating. Nais na nga niya itong tawagan pero pinipigilan pa niya ang kanyang sarili. "Bakit nakasimangot si birthday girl?' Tanong ni Inigo nang lapitan sila ni Lexie. Galing si Inigo sa mga grupo ng mga parents nila na enjoy na enjoy sa kwentuhan na para bang ang mga ito ang may party at hindi siya. "Tawagan mo na nga si Nathan, siya na lang ang wala eh," Lexie said to Inigo. "I did at ang sabi niya hindi pa raw siya tapos sa trabaho niya,' tugon ni Inigo at sinulyapan siya. Nagkibit siya ng balikat. Mukhang hindi makakarating si Nathan sa party niya, mukhang hindi nito makikita kung gaano siya kaganda sa suot niyang red dress. "Don't worry, narito naman ako,' Inigo said abay akbay pa nito sa kanya. Hindi na lang siya kumibo rito, ayaw din niyang makahalata ito na may something siya kay Nathan. Mahaba pa naman ang gabi at sana makaabot pa si Nathan sa party niya, na para bang kulang na kulang at walang sigla pag wala si Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD