KINAUMAGAHAN pagkagising pa lamang ni Alexa, sunod-sunod na text ang bumungad sa kaniya ng abutin niya ang sariling cellphone. Nagtatakang si Lhira at Blue lamang ang binigyan niya ng bagong numero. Panigurado niyang ibinigay ng masungit niyang amo ang numero niya may Greg. "Good morning. Gising ka na ba? Nag-almusal ka na ba? Hey!" basa niya sa mga text ni Greg sa kaniya. Tumipa siya, "Okay lang." maikling sagot niya. "Puwede ka ba'ng yayain kumain sa labas ngayon gabi? Okay lang ba?" mabilis na reply nito. "Sandali at itatanong ko kay Blue." mabilis na reply niya. "Bakit mo itatanong pa sa kaibigan ko? Ikaw ang magdesisyon niyan, Alexa." Basang-basa niya ang pagka interest sa kaniya talaga ni Greg. Pero kinompronta na niya ito kaibigan lang talaga ang maibibigay niya sa binata. Na

