PAGDATING ni Janet sa kusina ay naroon na si Elias. Naisalansan na nito sa food cart ang mga pagkain. Doon na nila ito aayusin pagdating sa bilangguan. Isiningit na rin niya ang order na pagkain ni Zack. Good for two person daw. “Para kanino mga ‘yan?” ‘takang tanong ni Elias. “Ah, order ni Zack,” tugon niya. “What? Seriously?” Mariing kumunot ang noo nito. “Bakit hindi na lang siya pumunta sa food center? May sakit ba siya?” Pumalatak na si Elias. May kasungitan din ang isang ito. “Ano, nakisuyo lang naman siya. May gagawin ata sila sa laboratory.” “Masyadong paimportante ‘yon. Wala naman siya masyadong ginagawa rito sa academy.” “Hayaan mo na, minsan lang naman,” aniya. “Minsan? Huwag kang pakasisiguro. Kapag ganyang masunurin ka, aabusuhin ka niya. Pala-utos talaga ‘yon, feeling