Chapter 43 3rd Person's POV Naglapag ng inumin si Hagen sa lamesa. Umupo ang binata sa sofa na kaharap nina Taki at Lilith— sumandal ito doon at nag-cross arm. "Ngayon sabihin mo na kung anong pakay niyo at nakarating kayo dito." "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa—Hagen about ito sa itim na orasan, sa amulet at sa libingan," ani ng beta na kinakunot noo ni Hagen. "Anong kinalaman ko diyan? Kung about 'yan sa artifacts at sa iba pang lahi— bakit niyo sa akin sinasabi at hindi kina kuya?" ani ni Hagen bago tumayo. "Look— nangako na ako kay Aominee na hindi ko na oobligahin ang sarili ko na mangialam pa. May pamilya na ako at tinigil ko na din ang paggamit sa kapangyarihan ko," ani ni Hagen. Aalis ang lalaki nang tumayo si Taki at hinawakan ang braso ni Hagen. "Hindi ko sinabing