Chapter 44 3rd Person's POV "I'm here!" sigaw ni Asha na mabilis na lumangoy papunta sa dalampasigan at umahon sa tubig. "Tingnan niyo may nakita akong coral!" proud na sambit ni Asha matapos ipakita ang coral na hawak niya sa mga kapatid. "Mga bata uwi na!" Matapos marinig iyon nagtakbuhan na ang mga bata patungo sa direksyon kung nasaan ang mansyon. Napatigil si Abyss sa pagtakbo pagkatapos may maramdaman na presensya. Lumingon si Abyss— narinig ni Abyss ang pangalan niya at nakita niya si Tigrel at Astral. "Tinatawag na tayo ni papa! Tara na!" ani ni Astral. Tumakbo na ulit si Abyss at sinundan sina Astral papasok ng mansyon. Sunod-sunod naman na pumatak ang ulan. Nanatili lang nakatayo si Abyss sa bukana nv pintuan habang nakatingin sa labas. "Abyss, magpunas na kayo.