CHAPTER SIX

1637 Words
PINIGILAN ni Eliza ang nararamdaman na inis para kay Corbin. Simple lang ang dialogue nito pero hindi pa makuha-kuha. Wala nga talaga itong potential sa pag-arte. Sayang dahil artistahin pa naman ang mukha nito. Kanina pa sila sana dapat na makakauwi ngunit natagalan sila kay Corbin. Gusto kasi ni Miss Cadayday na maging perpekto ang practice na iyon pero nakakalimutan ni Corbin ang linya at kung magsalita ay walang latoy. Hindi kinaya ng isang braso ni Corbin ang pagsalo ng buong timbang niya nang mahulog siya sa puno kaya arm cast ito ngayon. Sinemento. Pero baka matanggal na ang cast bago pa dumating ang araw ng stage play. Abot-abot ang paghingi niya ng tawad kay Corbin. Ito ang nagligtas sa kanya kaya bigla siyang bumait dito. Lalo’t nalaman niya na totoo pala na hindi siya nito sinumbong kay Miss Cadayday. Naging O.A lang siya sa mga naging aksiyon niya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inaalalayan niya si Corbin kapag nasa school sila. Siya ang bumibili ng snacks nito sa canteen. Mahirap na kasi baka matulak pa ito ng schoolmate nila sa pila. Kalahating oras lang kasi ang recess kaya nagkakatulakan para mauna. Siya rin ang nagsusulat para rito pero minsan ay napapansin niya na namimihasa na ito na pati pag-inom ng tubig ay dapat pa niya itong pagsilbihan. Hindi makaangal dahil bukod sa iniligtas siya nito ay hindi pa nito sinumbong kanino man ang nangyari. Bagkus sinabi nga nit okay Mrs. Ventura na nahulog sa puno bahay na labis niyang ipinagpapasalamat dahil mananagot siya sa kanyang ina oras na malaman nito ang nangyari lalo’t marami naman silang tanim na mga prutas. May tatlong araw na rin na sabay silang pumupunta sa school ni Corbin. Hindi niya alam kung nagkataon lang o sinasadya ba nitong hintayin siya sa shortcuts. Pero infairness may namumuo ng friendship sa kanilang dalawa. Napagtanto niya na hindi naman pala ito mayabang. Ayaw din pala nito ng atensiyon na ibinibigay dito ng mga kamag-aral nilang mga babae. Well, hindi naman kasi niya masisi ang mga girls dahil tunay nga na kay gwapo ni Corbin. Iyong mukha nito ay hindi lang basta makikita sa tabi-tabi. Sigurado na hindi na nito kailangan na magpa-audition, kukunin kaagad ito bilang artista o modelo. Iyon nga lang tagilid ang acting skills nito. Weird pero hindi na gaanong sumasagi sa utak niya si Aaron. Madalas pa nga niya nahuhuli ang sarili napapatulala kay Corbin at wala talaga siyang ideya kung ano ang nangyayari sa kanya at kung bakit kumakabog ng husto ang puso niya kapag katabi ito. May crush na rin ba siya kay Corbin? Wala sa loob na napapatitig siya rito. “Oh no!” Hindi niya namalayan na nanulas na pala sa bibig niya ang salitang iyon at napatingin sa kanyan ang lahat. “Oh no! Nakalimutan na naman ni Corbin ang linya niya.” Palusot niya. Muling bumalik ang atensiyon ng lahat sa ginagawangpractice. Nang wala ng nakatingin sa kanya ay pinilig niya ang ulo. Si Aaron lang ang crush mo, Eliza. Siya lang dapat! Tumingin siya kay Corbin. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang kakaiba ang pintig niyon. Ano ba ang nangyayari sa akin? “Okay, Class. Bukas na lang natin ipagpapatuloy ang practice.” Sumusuko na deklara ni Miss Cadyday. Tila nabuhay ng dugo ang lahat. Nag-unahan sa pagkuha ng mga bag. Nauna ng umalis ang mga kaklaseng lalake na kasali rin sa stage play habang ang mga babae naman ay nagpaiwan. Lumapit ang kay Corbin. Lihim na napaismid si Eliza. Sa mga sandaling iyon ay gusto niya na itulak ang mga ito dahil kulang na lang ay lumambitin kay Corbin habang pinapapungay ang mga mata. Hindi na napigilan ang inis niya. Lumapit siya kay Miss Cadayday na sa mga sandaling iyon ay binabasa ang isang papel. “Miss Cadayday. . .” “Yes, Eliza?” Tumingin siya sa kinaroroonan ni Corbin at ng mga babaeng kaklase. Pagkatapos ay tumingkayad siya upang makabulong sa tenga ng guro. “Tingnan mo po ang mga kaklase ko.” Awtomatiko na lumipad ang mata ni Miss Cadayday sa mga tinutukoy niya. “Naku, hindi po tama ang ginagawa nila. Dapat po nila unahin ang pag-aaral kesa sa pagpapa-cute kay Corbin.” Nagsalita ang hindi nag-cutting classes para puntahan ang crush sa mall! “Tama ka, Eliza,” sabi ni Miss Cadayday. Lumapit ito kina Corbin. “Umuwi na kayo at gawin ang assignment niyo. Huwag niyong unahin ang pagpapa-cute sa crush niyo dahil mas importante ang pag-aaral. Malalaman niyo na tama ang sinasabi ko kapag lumaki na kayo at nagsisisi dahil hindi niyo sinunonod ang sinabi ko.” Lihim na napangisi si Eliza sa narinig. Nakangita niya kung paano tumiklop ang mga kaklase niyang babae. Nagpaalam na kay Miss Cadayday. Batid niya na nag-ismiran ang mga ito nang tumalikod na dahil iyon ang madalas niyang gawin. “Sige po, Miss Cadayday. Mauna na rin po kami.” Paalam niya sa guro. Hinila na niya si Corbin kaya hindi na ito nabigyan pa ng pagkakataon pa na makapagpaalam. Naglalakad na sila papunta sa gate ng eskwelahan nang pigilan siya ni Corbin. “Wala pa akong ganang umuwi,” sabi nito. “So, saan tayo?” tanong niya. Sa mga ganoong pagkakataon na maaga pa ay pumupunta siya sa muling upang hunting-in si Aaron pero these past few days ay nawalan na siya ng gana. Half day lang ang klase dahil may meeting ang mga teacher. Pinayagan naman ng principal si Miss Cadayday na hindi dumalo dahil sa practice ng stage play. Pinaghahandaan kasi ang pagbisita sa school nila ng mga Japanese delegates at ang section nila ang napiling magtanghala sa isang programa na para sa mga ito. Kanina ay puring-puri siya ng mga kaklase niya sa pag-arte. Kahit siya sa sarili niya ay nagulat sa talent niya. Bagay daw sa kanya gumanap ng wicked stepmother. Convincing daw ang acting niya. Paanong hindi e, damang-dama niya ang kanyang character lalo na sa scene na inaapi na niya si Cinderella. Nanggigil siya kay Catherine dahil ito ang nangunguna sa pagpapa-cute kay Corbin kaya dinadaan na lang niya sa pag-arte ang inis dito. Kanina nga ay palakpakan ang mga kaklase niya at si Miss Cadyday sa scene na ng nilublob niya sa props na labahin si Catheine. Hindi alam ng mga ito hindi na iyon arte. Hinila siya ni Corbin papunta sa football. Pumuwesto sila ng upo sa pinakagitna. Wala ng tao sa paligid. Maaga kasi ang dismissal ng kaklase at pagkatapos ng meeting ay nag-uwian na rin ang mga guro. “Ano ang gagawin natin dito?” “Wala lang, tatambay lang,” sagot ni Corbin na humiga sa bermuda grass. “Look, Eliza, ang ganda ng view ng langit kapag nakahiga ka.” Ginaya niya ang ginawa nito. Humiga rin siya. Tama nga ito. Tila ba abot-kamay lang ang bughaw na kalangitan. “This is peace,” sabi ni Corbin. “Masarap sa pakiramdam na kaibigan mo na ang taong nakaanggil sa iyo. Kailangan ko pa pala muna na ma-injury bago ka bumait sa akin.” “Paulit-ulit ba ipaalala ang nangyari? Nag-sorry na nga ako ‘di ba?” Umusog si Corbin papalapit sa kanya. Magkabilaan ang kanilang pwesto. Mga ulo lang nila ang dumikit. Dumaloy ang hindi maipaliwanag na kiliti sa kanyang kaibuturan nang humalik ang pisngi niya sa pisngi nito. Aware ba si Corbin na sobrang lapit nila sa isa’t-isa na isang maling kilos lang ay pwedeng magdikit ang labi nila? Aware ba ito na sa mga oras na iyon ay naninigas siya dahil sa matinding kaba? Tumagilid si Corbin. Naramdaman niya ang hininga nito na dumadampi sa kanyang pisngi. Hindi niya makuha na bumaling dito kundi lagot na! “You’re so beautiful, Eliza.” Narinig niya na anas ni Corbin. Huwag kang tumingin sa kanya Eliza! Huwag! Pero tila nanghihigop ang tinig na iyon ni Corbin at hindi na nga niya napigilan na tumingin dito. Samu’t-saring emosiyon ang nakikita niya sa mga mata ni Corbin. Paghanga. Pagsuyo. . .Pagmamahal? Posible ba? O guni-guni lang niya? “Huwag, baka mapaano iyang kamay mo!” tarantang sabi niya nang tinaas nito ang kamay na may cast. “Naitataas ko na ang kamay ko kahit papaano.” “Kahit na.” “Just let me do it, Eliza.” “Do what?” “This.” Pagkasabi na iyon ni Corbin ay buong suyo siyang hinaplos nito sa pisngi. Napapikit siya. Nakapabigay nang kaigaya-igayang pakiramdam ang ginagawa nito. Tila ba paro-paro lang na dumadampi sa pisngi niya ang mga daliri nito. May nararamdaman din siya na tila kuryente na nalaytay sa kaibuturan niya. Inilapit pa ni Corbin ang niya mukha nito sa kanya. Gahibla na lang ang pagitan nila sa isa’t-isa. Naramramdam niya ang hininga nito sa kanyang noo. Walang kumikilos sa kanila. Pareho lang sila na estatwa. Hanggang sa ilang sandali pa ay kinintalan siya ni Corbin ng halik sa noo. Mas lalo siyang nawala sa katinuan. Paulit-ulit siyang binibigyan nito nang magagaan na halik sa noo pero hindi niya magawang itulak ito. Bagkus ay ninamnam pa niya ang sandaling. Nahiling pa niya na ikulong siya nito sa bisig nito. Wait! Talaga ba na iyon ang naisip niya? Sukat sa realisasiyon ay napatayo siya. “Ang mabuti pa siguro umuwi na tayo, Corbin.” Malakas na napabuntong-hininga si Corbin. “Mabuti pa nga.” “Ako na ang magdadala ng bag mo, baka kasi mapaano pa iyang braso.” “No. Ako na, Eliza.” Kumibit-balikat siya. “Bahala ka.” “Uulan yata.” Maliwanag ang kalangitan sa tapat nila pero may namumuong pagdilim ng mga ulap sa hindi kalayuan at tinatangay iyon ng hangin. Naramdaman din niya na medyo lumamig ang dampi ng hangin. Indikasiyon na anumang oras ay sasama na ang panahon. “Bilisan natin,” sabi niya na nauna ng tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD