CHAPTER SEVEN

2009 Words
NAKASUOT si Eliza ng jumper na white t-shirt ang panloob at pinarisan niya ng sneaker. Pinitirintas niya sa kanilang maid ang kanyang buhok. May dala rin siyang pink na sling bag. Habang ang katabi naman niya na si Corbin na bagaman nakasuot lang ng plain black-shirt at jean ay nag-uumapaw pa rin ang karisma. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga babae na kahit hindi nila kaedad ay napapalingon dito. Hinila niya sa mall si Corbin. Gusto kasi niya makumpiram kung ito na ba ang bagong crush niya o si Aaron pa rin. Gagawin na rin niya ang matagal ng binabalak. Bibigyan niya ng gift si Aaron. It’s now or never. Tinanong nga niya ang sarili, what if i-reject nito ang gift niya? Okay lang. Totoo! Parang kasi hindi na ganoon kalakas ang impact sa kanya ni Aaron. Kaya na niyang tanggapin kung sakaling tanggihan siya nito kaya nagkalakas ng loob na siya ngayon. Nang dumating sila sa Arcade World ay wala pa roon ang grupo nina Aaron kaya naglaro muna sila ni Corbin. Kanina pa siya naiinis dahil hindi niya ito matalo sa mga games. Magaling ito. “Gutom ka na ba?” tanong sa kanya ni Corbin. “Hindi pa,” sagot niya habang hawak ang sandakmak na ticket. Nakaubos na kasi ng mahigit five hundred pesos si Corbin dahil gusto raw nito makuha ang napakalaking teddy bear kapalit ang mga ticket. May arm cast pa rin kasi ang isang kamay nito. Partida, naglalaro ito gamit lang ang isang kamay pero talo pa rin siya. “C’mon, treat kita.” “No, mamaya ako naman ang taya. Kanina ka pa gumagastos. Ako ang humila sa iyo dito kaya ako ang taya.” Nagkabalikat ito. “Okay, ikaw ang bahala pero sabihin mo sa akin kung gutom ka na.” “Okay, dito na tayo sa claw machine. Matagal ko ng gusto makuha ang cute na stuff toy na ito.” Itinuro ni Eliza mula sa salamin ang isang maliit na witch stuff toy. Sa lahat ng naroon ay ito lang naiiba. Sigurado na iyon ang pinakainiiwasan na kunin na mga naglalaro doon. Hindi kasi iyon kasing cute na gaya ng iba pang stuff toy pero nagustuhan niya at gusto niyang idagdag sa iba pa niyang koleksiyon. At para pa na rin mabigyan ng tahanan si Mathilda – yes, sa tagal na niyang tumatambay sa Arcade World ay pinangalanan na niya ang witch stuff toy. Nakailang subok na sila ni Corbin pero hindi nila makuha si Mathilda. Nakagastos na ito marahil ng forty token na katumbas ng two hundred pesos. Nagko-concentrate si Corbin sa pagkuha niyon nang mahagip ng mata niya si Aaron. Dumating na ito. Bigla ay nagdalawang isip siya. Kinabahan. Paano kung pahihiyain siya nitp? Iyong rejection ay matatanggap niya pero hind ang kahihiyan. Sa kabilang banda naman, iyon ang sukatan niya para makumpira kung crush pa rin ba niya ito. Oras na ngumiti si Aaron sa kanya nalampasan nito ang kaba at pagtambol ng kanyang dibdib kapag katabi si Corbn, ibig sabihin ay ito pa rin ang crush niya. Hindi namalayan ni Corbin na lumayo siya. Inilabas niya sa kanyang bag ang maliit na kahon. Laman niyon ang bracelet na binili niya na naka-engrave na ‘Aaron’ - pina-personalize pa niya. Humugot siya ng lakas ng loob bago humakbang sa kinaroroonan nina Aaron. Perfect timing dahil hindi nito kasama ang girlfriend nito. “Aaron. . .” Lumingon ito sa kanya pati na ang ibang kasama nito. “Yes?” “May ibibigay pala ako sa iyo,” sabi niya na nakayukong inabot dito ang mallit na kahon. “What’s this?” kunot-noong tanong ni Aaron, “Wait, you’re Eliza, right?” Mabuti naman at natatandaan siya nito. Minsan na kasi nagpalitan ng pangalan. “Oo, ako na.” “Para saan ito?” Tukoy nito sa hawak. “Gift ko para sa iyo.” “Thanks for this, Eliza.” Ngumiti sa kanya si Aaron pero ni hindi man lang kumabog ang kanyang dibdin. Ni hindi nanginig ang tuhod niya sa kaba. Wala siyang nararamdaman. Parang normal na tao lang ang kaharap niya. Kumpirmado na ba na si Corbin ang bagong crush niya? Lumipat ang paningin niya sa kinaroroonan ni Corbin. Hindi na ito naglalaro sa claw machine, sa halip ay nakatingin na sa kanila. Hindi niya mabasa emosiyon na rumehistro sa mukha nito pero isa lang ang sigurado siya, hindi ito natutuwa. Oh no! Ano na lang ang iisipin ni Corbin sa kanya? Huwag naman sana ma-turn off sa kanya. Kumpirmado! Ito na ang bagong crush niya. “Corbin. . .” anas niya. Hahakbang na sana siya para lapitan ito ngunit hindi may isang kamay na pumigil sa kanyang braso. Pagyuko niya ay nakita niya ang mahahabang kuko at purple nail polished. Lumingon siya. Ang maarteng girlfriend ni Aaron ang tumambad sa paningin niya. Hindi niya napansin ang pagdating nito. “Excuse me, Miss. Bakit mo binibigyan ng gift ang boyfriend ko?” tanong nito. Nakataas ang isang kilay. “Kasi. . .” “May gusto ka sa kanya?” “Hindi!” maagap na sagot niya. “Talagang magde-deny ka pa? Ang kapal ng mukha mo! Hindi ang tulad mo ang type ng boyfriend.” Yeah right, ang gusto ni Aaron ay mga mukhang malalandi na kagaya mo! Kung sa hitsura rin lang, kahit kanino pa itanong ay sigurado siyang wala itong panama sa kanya. Hindi sa pagmamayabang pero maraming nagsasabi na maganda siya. Siya nga lagi nominated bilang muse ng kanilang classroom pero inuumang niya ang kamao sa mga kaklase kaya sa halip ay si Catherine ang binuboto ng mga ito.. Fifteen years old na siya. Nasa qualified age na para sumali sa beauty contest. May lumapit nga sa kanyang ina ang main organizer nang Mutya ng San Enrique. Nagpupumilit na isali siya sa naturang contest. Payag naman ang kanyang ina pero mariin siyang tumanggi. Nunca na papayag siyang rumampa. At saka ayaw niya nilalagyan ng make up ang mukha niya. Ginawa lang niya last time dahil gusto niyang magpapansin kay Aaron. Pero yes, confirm. Tapos na ang nararamdaman niya para rito. “Pasensya na,” sabi niya. “Sorry pero pinaparusahan ko ang mga babaeng nagtatangkang agawin ang boyfriend ko.” “Ano ang ibig mong sabihin?” “This!” Pagkasabing iyon ng girlfriend ni Aaron ay pinaliguan siya ng hawak nitong slurpy. Napatili siya. Nagkulay blue ang suot niyang white t-shirt. Malimig dahil puno ng ice cubes ang slurpy. Naningkit ang mata niya. Pinagtawanan siya ni Aaron at buong grupo nito. Nakatingin na rin sa kanila ang ibang naroon. Gusto na lang niya matunaw sa kahihiyan. Lalapit sana siya kay Aaron para sampalin ito ngunit may dumaan sa kanyang likuran para unahan siya. Si Corbin! Tinulak nito si Aaron na kaagad bumagsak sa tiles dahil nawalan ng balanse. “Ano ang problema mo, Pare?” tanong ni Aaron na bumangon at gumanti ng tulak ngunit hindi man lang nito napausog si Corbin. Higit na mas matangakad at malaking bulto si Corbin kung ikukumpara kay Aaron. Pero matapang ang huli dahil marami itong kasama at higit sa lahat ay nakita nitong may arm cast pa si Corbin. Pero bago pa magpambuno ang dalawa ay pumagitna na siya sa mga ito. “Hayaan mo na sila, Corbin. Tayo na,” sabi niya na hinila ito. Nainis sa girlfriend ni Aaron dahil sa halip na umawat ay panahon pa itong matulala habang nakatitig kay Corbin. “Lumapit ka kung matapang ka!” Sukat sa narinig ay tinanggal ni Corbin ang kamay niyang nakahawak dito. Tinakbo nito ang kinaroroonan ni Aaron. Sinuntok. Bagsak. Walang nakahuma sa kanila. Maging ang kasamahang lalaki ni Aaron. Sa halip ay nag-atrasan pa ang mga ito. Mababakas ang takot sa mukha. Magmimistulang dewende lang kasi ang patpating katawan ng mga ito kung itatabi kay Corbin. “Hoy! I-check mo ang boyfriend mo kung humihinga pa!” Singhal niya sa girlfriend ni Aaron. Noon lang din tila natauhan ang babae. Dinaluhan nito ang nobyo. Nakahinga siya ng maluwag nang gumalaw si Aaron. Nakabangon naman ito pero hilong-hilo. “Tayo na, Corbin!” Naipagpasalamat niya na nagpahila naman ito sa kanya. Hila-hila niya ito palabas ng mall. Seryoso pa rin ang mukha nito. “Galit ka ba?” tanong niya. Naglalakad na sila papunta sa paradahan ng dyip. Kung tuusin hindi na nila kailangan mag-commute. Pwede silang magpahatid sa kanilang mga driver pero pareho nilang ayaw na may naghihintay sa kanila. Napansin niya na tila hindi sanay mag-commute si Corbin. Nakita niya na hindi ito komportable habang nasa dyip. Sa pagkaaalam kasi niya ay pwede ng mag-drive ang mahigit kinse anyos ang edad sa America. “Sino ba ang hindi magagalit, Eliza? Sinama mo ako sa lakad na ito!” “I’m sorry,” sabi niyang napayuko. “I’m so disappointed in you! Bakit kailangan mo pang pababain ang sarili mo nang ganoon?” “May gusto lang kasi akong i-confirm!” aniyang napakamot sa mukha. “At ano naman iyon?” “Gusto kong i-confirm kung crush ko pa ba si Aaron.” Tumigil sa paglalakad si Corbin. “Ang lalakeng iyon?” Tumango siya. “Bad taste.” Iling nito. “So, ano ang nakumpirma mo?” Muli siyang yumuko. Pinamulahan ng mukha. “Hindi ko na siya crush. Wala akong naramdaman na kilig kanina habang kaharap siya. May bago na akong crush.” “Sino?” “Secret!” nakangiting sagot niya. Namimilipit sa kilig. Bigla ay parang gusto niyang yakapin si Corbin. Imagine, pinagtanggol siya nito. Kay kisig nitong tingnan kanina. “Huwag mong unahin ang crush-crush na iyan.” “Bakit, ikaw ba walang crush?” Natigilan si Corbin. “M-meron.” “Sino? Kilala ko ba siya?” “Secret din,” sagot ni Corbin na ginulo ang buhok niya gamit ang isang kamay na walang arm cast. “Clue na lang! Please!” “Okay, siyempre maganda!Then maputi. May maliit na dimple sa kaliwang pisngi. Kulang sa height. Lagpas ang balikat ang tuwid na buhok. Matapang at may nakakahalinang ngiti at hobby ang umakyat sa pader.” Natulala si Eliza. Tinuro ang sarili. Siya ba ang tinutukoy nito? Bago pa niya maitanong iyon ay bumira na ito ng lakad. “Corbin!” Habol niya dito. “May panyo ka diyan?” “Oo,” aniya na inilabas sa sling bag ang panyo. Kinuha nito iyon sa kamay niya at ito na mismo ang nagpahid sa mukha niya. Mula siyang natulala sa ginawa nitong iyon. Bakit ba alam na alam nito kung paano siya pakabahin ng husto? “There. Hindi mukhang basang sisiw. Nilalamig ka ba?” “Kanina sa mall pero ngayon ay hindi na dahil nasa gitna tayo ng tirik na araw.” Tinaas ni Corbin ang isang kamay nito. Tinakpan ng anino ng kamay nito ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. “Okay na ba, mahal na prinsesa?” Tumango siya. Pinigilan na ipakita rito ang pamimilipit niya sa kilig. “Siya nga pala. May ibibigay ako.” “Ano?” tanong niya. May inilabas ito sa bulsa ng pantalon. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makita at iwinagayway nito sa harapan niya ang witch stuff toy. Kaya pala bumukol ang bulsa nito. May kaliitan lang ang naturang stuff toy kaya kasya nagkasya sa bulsa nito. “Wow! Nakuha mo?” Nanlalaki ang kanyang mata. Ito naman ang tumango. “Thank you so much!” sabi niya na hindi na napigilan na kumapit sa braso nito. “Matagal ko ng gusto makuha ito.” “Happy?” “Oo naman! Sobra!” “Tayo na, bilisan na natin ang pag-uwi dahil baka mapulmonya ka pa. Basa ang damit mo.” “Sige tayo na.” Pigil niya ang hininga nang kinuha ni Corbin ang kamay niya. Halos mabingi siya sa malakas na t***k ng kanyang puso. Hindi niya alam kung paano pa niya nagawang makalakad dahil nawawala siya sa wisyo dala ng matinding kaba. Magkahawak kamay na naglakad sila papunta sa paradahan ng dyip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD