NAKATINGIN si Eliza sa labas ng bintana. Malakas ang buhos ng ulan. Ang sinasabing low pressure ay tuluyan na naging bagyo. Ngayong araw ang landfall at sakop ang bayan nila sa signal number two. Good thing, ulan lang ang dala ng bagyo at walang hangin.
Hinawakan niya ang pendant ng kwentas na suot. Napangiti. Kinilig. Regalo kasi iyon sa kanya ni Corbin noong nakaaraang araw. Silver lang iyon. Moon design. Lumiliwanag daw kasi ang madilim na paligid kapag nakangiti siya. Batid niya na hindi iyon bola dahil walang araw na hindi niya naririnig sa bibig ng nobyo ang paghanga nito sa ngiti nya.
“Si Ate, parang temang. Nakangiti kahit mag-isa,” sabi ni Emerie.”
Alas nueve na ng gabi. Nasa sala sila habang ang kanilang ina ay nasa kusina. Nagluluto ng sopas para maibsan ang nanunuot na lamig. Brown out. Emergency light ang sisilbing liwanag.
“Siyempre dahil inspired.”
“Inpspired daw,” tila nandidiri na sabi ng kanyang kapatid.
“Lumapit ka nga dito, may tanong ako.”
“Ayaw. Baka mahawaan pa ako ng pagkatemang.”
“Isa!”
Sumimangot si Emerie. “Ano ba kasi iyon?” tanong nito na lumapit sa kanya.
Wala naman siyang itatanong. Kikilitiin lang sana niya ito dahil gusto niyang naririnig ang hagikgik nito pero hindi na niya nagawa iyon dahil napakunot-noo siya nang makita niya ang headlights ng paparating na kotse.
Nagtaka siya. Wala naman nabanggit sa kanila ang ina na mayroon silang bisita. At saka sino naman baliw ang maglalamyerda kahit may bagyo lalo’t gabi na? Ang mga Ventura lang ang nag-iisa nilang kapitbahay, kung ang mga ito ang pakay ng sakay ng kotse, e ‘di sana lumiko na.
“Mommy!” sigaw ng kanyang kapatid nang mapansin din ang paparating na kotse.
Lumabas naman sa kusina ang kanilang ina.
“Ano sinisigaw mo, Emerie?”
Pareho nilang tinuro ng kapag ang nasa labas ng bintana.
“Sino iyan?” nagtatakang tanong ng kanyang ina.
“Hindi rin po namin alam.”
Huminto sa tapat ng bakuran nila ang kotse. Bumababa ang pamilyar na bulto. Pareho silang napasinghap ni Emerie at nanlaki ang mata nang mapagtanto na ang kanilang ama iyon.
Nagsisigaw sa labis na tuwa na tumakbo silang magkapatid sa main door. Nakita nila na umalis na ang kotseng naghatid sa kanilang ama.
“Papa!”
Paligsahan sila ng Emerie sa pagyakap dito nang makapasok na ito sa kanilang bahay. Wala ito ibang dala maliban sa attaché case. Ibig sabihin ay walang dalang pasalubong ang ama pero hindi na mahalaga iyon basta nakauwi lang ito at nakapiling nila.
“Ezekiel. . .” sabi ng kanyang ina na nakahawak sa dibdib.
Hindi maiintindihan kung bakit may nakikita siyang takot sa mukha ng kanyang ina.
“Papa, miss na miss ka namin!” sabi ni Emerie na buong lambing na yumakap sa beywang ng kanilang ama.
“Miss na miss ko rin kayo mga, anak.” Humalik ito sa buhok nila ni Emerie. Yumakap din sa kanila pero sandali lang. Agad din silang binitawan. “Kailangan natin mag-uusap, Beth.”
“Sige, doon tayo sa library.”
Mas lalong nagtaka si Eliza habang sinusundan nang tingin ang kanyang magulang. Napansin niya na balisa ang ama. Bigla ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba at tensiyon.
“Isara niyo ang mga bintana,” sabi ng kanyang ama na bumalik. Ito rin ang gumawa niyon dahil napatanga sila ni Emerie sa takot na takot na anyo nito.
“Papa, what’s happening?”
Malakas na bumuga ito ng hangin mula sa baga. Pinakakalma ang sarili. Pagkuwa’y lumuhod ito upang magpantay ang mukha nito kay Emerie. “Wala, anak. Delikado kasi ang kidlat kaya pinapasara ang mga bintana.”
“Ganoon po ba.”
“Yes, anak. Sige, mag-uusap lang muna kami ng mama niyo.”
Tinalikuran na sila ng kanilang ama. Pumunta na sila sa library. Samantala, umupo naman sila ulit ni Emerie sa sofa.
“Bumalik na si Papa pero bakit hindi siya happy, ate?”
“Happy si Papa na makita tayo, baka napagod lang sa biyahe.”
“Siguro nga po,” ani Emerie. Humikab. “Inaantok na ako, ate.”
“Sige, ihahatid na kita sa kwarto.”
Umakyat na sila sa second floor kung nasaan ang kwarto nilang magkapatid. Malaki ang kanilang bahay pero mas gusto pa rin nila ni Emerie na magsama sa iisang kwarto. Kung ibang magkapatid lang na may malaking agwat na edad ay malamang maiinis na ang panganay, pero siya hindi. Nag-e-enjoy siyang kachikahan ang walang muwang na kapatid. Nakasanayan din niya na tuwing gabi ay napupuno ng halakhak at iyak ni Emerie ang kanilang bahay dahil matutulog na lang ay inaasar pa niya o ‘di kaya ay pinapatawa.
Humiga na ang kanyang kapatid sa kama nito nang marating nila ang kanilang kwarto. Namumungay na ang mata nito.
“Ate, sabihin mo kay Papa na huwag umalis, ha? Baka kasi paggising ko wala na siya, bumalik na ulit sa Maynila.”
“Huwag kang mag-aalala, for sure si Papa mismo ang gigising sa iyo bukas. Hindi ba sa tuwing dumadating siya, nag-i-stay naman siya ng halos isang buwan dito?”
Tumango ang kanyang kapatid.
“Kaya matulog ka na,” aniya na hinalikan ito sa noo. “Good night, Emerie.”
“Good night, Ate Eliza.”
Hinintay muna niya na makatulog si Emerie bago lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa living room, pati na rin sa kusina ngunit wala doon ang kanyang magulang.
Hindi pa rin tapos ang mga ito sa pag-uusap?
Tinungo niya ang library. Bubuksan na lang sana niya ang pinto nang marinig ang hikbi ng kanyang ina.
“Beth, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.” Narinig ni Eliza na wika ng ama.
“Sana sinunod mo na lang ang utos nila, Ezekiel.”
“Hindi ko kayang ipahamak ang buong mundo, Beth! Mamatay tayong lahat kung hindi ko tinago ang virus!”
Virus? Ano ang ibig sabihin ng ama? May kinalaman ba iyon sa trabaho ng ama bilang Biomedical Scientist?
“Paano na tayo ngayon?!” Tumaas ang boses ng kanyang ina.
“Kailangan natin umalis nagyon din, Beth. Huwag tayong mag-aksaya ng panahon dahil baka masundan ako ng Mafia.
Tumahip ang dibdib ni Eliza sa narinig. Hindi ba delikado ang Mafia na tulad sa mga napapanood niya sa mga action movie? Totoo ba talaga sila? Paano nasangkot sa mga ito ang kanyang ama?
Samu’t-saring katanungan na ang pumapasok sa utak niya. Gusto na niyang pumasok sa library upang tanungin mismo ang kanyang magulang kung ano ang nangyayari at kung bakit parang takot na takot ang mga ito.
“Kailangan kong makausap si Eliza. Sa kanya ko ipakakatiwala kung nasaan ang virus.”
“Mapapahamak ang anak mo, Ezekiel!”
“Mamili ka, Beth. Mamamatay tayong lahat o tatakas at susugal para mabuhay?”
Hindi niya narinig na sumagot ang kanyang ina. Naguguluhan siya sa takbo ng usapan ng mga ito.
“Mag-empake ka na, Beth. Magdala ka lang ng konting damit natin. Bilisan mo!”
“Bumabagyo Ezekiel!”
“Wala na tayong oras!” ganting sigaw ng kanyang ama.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Iniluwa ang kanyang ina na hilam ng luha habang hawak ang dibdib. Nagulat ito nang makita siya.
“Eliza. . .”
Lumabas rin ang kanyang ama. “Eliza, anak. Kailangan natin mag-usap,” sabi ng kanyang ama na hinila siya papasok sa library. Bago nito isara ang pinto ay nakita niya ang pagtulo ng luha nito habang nakatingin sa kanya ama.
“Papa. . .” untag niya sa ama nang silang dalawa na lang.
Bumuntong-hininga ang kanyang ama. Tinanggal ang makapal na salamin sa mata upang pahirin ang luha gamit ang likod ng kamay.
“Hindi ko alam kung paano ito sabihin, anak.”
“Ano pong mafia? Bakit may virus po akong narinig.”
“Ang mga mafia ay makapangyarihan na sindikato sa buong mundo, anak. Sapilitan nila akong kinuha. Pinilit nila ako na sumama sa iba pang scientist para gumawa ng virus. Napilitan ako sumunod sa kanila sa takot na baka patayin nila kayo,” sabi ng kanyang ama. Mariin na nakapikit. Tila ba naalala ang masamang desisyon.
“Ano po ang nangyari sa virus?”
“Matagumpay namin nagawa anak. Virus siya na makakapagdulot ng infecton sa balat na mabilis mag-spread out. Sa loob lang ng twenty-four hours ay pwedeng mamatay isang tao kapag umabot ang infection sa utak. Tulad ng sabi ko, mabilis kumalat ang virus sa katawan ng tao, Eliza.”
Kinilabutan siya sa narinig.
“Gumawa rin kami ng antidote na balak ibenta ng Mafia sa mga bansa sa buong mundo.”
“Daddy. . .” Nanginginig na siya sa mga naririnig.
“Anak, huwag kang matakot. Alam mo ang kantang Mary had a little lamb, hindi ba?”
Tumango siya.
“Kung uumpisahan mo sa lamb hanggang sa Mary ay makakabuo ka ng numerong four, six, one, three at four ulit.”
“Ano po ang mumerong iyan, Daddy?”
“Password.”
“Po?”
May kinuha ang ama sa bulsa ng pantalon nito. Personalize na kwentas na may sentence na Mary had a little lamb sa pendant. Sinuot nito iyon sa kanyang leeg kasama sa binigay sa kanya ni Corbin.
“Sa Museleo ng namayapa mong lolo at lola ay may pinagawa akong secret vault. Hindi siya makikita. Pipindutin mo lang ang R.I.P sa lapida ng lolo mo para mabuksan ang secret vault.”
“Daddy, natatakot ako.” Nagsimula ng umiyak si Eliza.
“Eliza, makinig ka. Kaya ko io sinasabi sa iyo dahil ikaw ang makakapagligtas sa buong mundo.”
“Daddy!” Mas lalo siyang napalahaw ng iyak.
“Tandaan mo ang password, 46134. O basahin mo ng pabaliktad ang Mary had a little lamb at i-convert mo sa tumero.”
“Naiintindihan mo ba, Eliza? At kahit anong mangyari, huwag na huwag mong ibigay sa Mafia para hindi masayang ang sakrispisyo ng Daddy.”
Tumango siya. Patuloy pa rin na umaagos ang luha.
“Good girl.” Niyakap siya ng ama. Yumugyog ang balikat nito. Indikasiyon na umiiyak na walang tunog. “Tandaan mo, mahal na mahal ko kayo ni Emerie. Kayo ng kapatid mo at ni Beth ang buhay ko.”
“Mahal na mahal ko din po kayo, Papa!”
“Sige na, tulungan mong mag-empake ang mama mo!”
Lumabas na sila sa library na makarinig nang tila may nabsag. Napatingin siya sa kanyang ama. Parehong silang nasindak.
“Ano po iyon?” tanong ng katulong na si Christy na lumabas sa kwarto. “Ay, Sir. Good evening. Ikaw po pala. Titingnan ko po kung ano ang nabasag.” Taranta ng bumababa ito ng hagdan.
“Christy!”
Nagtuloy-tuloy lang sa pagbaba ang katulong. Ilang sandali pa ay narinig nila ang sindak na sigaw nito.
Napakislot Eliza. Yumakap ng mahigpit ng sa kanyang ama.
“Daddy! Natatakot ako!” sabi niya na humikbi.
“Puntahan mo ang mama at kapatid mo sa kwarto. Tumakas kayo, Eliza. Iligtas niyo ang mga buhay niyo, Dumaan kayo sa likod. Tumakbo kayo nang matulin at kahit anong mangyari ay huwag kayong lilingon!”
Mas lalo siyang napalahaw ng iyak sa narinig.
“Eliza, kumilos ka na!” sabi ng kanyang ama. Tinanggal siya ang mga kamay niyang nakayakap dito. Tinulak siya. “Puntahan mo na si Emerie at Mommy mo.”
“Daddy! Mag-iingat kayo!”
Tumango ito. Hinalikan siya sa ulo.
Sa kabila nang matinding panginginig ng katawan niya ay nakuhang makarating ni Eliza sa kwarto nila ni Emerie. Nakita niyang pupungas-pungas na gumising ang kapatid na hinihila ng kanyang ina upang patayuin.
“Mama naman e!” reklamo pa ni Emerie.
“Eliza, ikaw na bahala sa kapatid mo! Titingnan ko lang kung ano ang nangyayari!”
“Mama Huwag! Huwag kang lumabas!” Pagmamakaawa niya na pinigilan ito sa kamay.
“Eliza, kailangan ako ng ama mo!”
“Huwag! Please!”
Wala rin nagawa ang pagmamakaawa niya. Tuluyan na lumabas ng kwarto ang kanyang ina. Napahagulhol siya.
“Ate, ano ang nangyayari?” tanong ni Emerie na tuluyan nang nagising ang diwa..
“Emerie, sabi ni Daddy. Kailangan natin tumakas!”
“Bakit? At bakit umiiyak ka po, Ate?”
“Saka ko na ipapaliwanag.”
Lalabas na lang sana sila ng kwarto nang umalingawngaw ang isang putok ng baril. Pareho silang napatili ng kapatid. Nagyakapan. Pero pinagana niya ang presence of mind. Kailangan niyang sundin ang sinabi ng kanyang ama!
Pinatatag niya ang loob. Hinila niya palabas ng kwarto si Emerie. Nasa teresa na sila nang makita na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang katulong na si Christy. Habang tinutukan naman ng baril ng mga armadong lalaki ang kanyang magulang.
“Mommy! Daddy!” sigaw ni Emerie na napalahaw ng iyak sa nakita.
Agad niyang tinakpan ang bibig ng kapatid. Hinila niya ito nang makita tumingala sa gawi nila ang mga lalaki na may hawak na mga matatas na baril. Tumakbo sila sa fire exit na nasa likurang bahagi ng bahay.
Nang ganap na makababa ay magkahawak kamay sila na tinahak nila ni Emerie ang piplapil. Hilam sila ng mga luha. Hindi alintana ang malakas na ulan. Si Emerie gusto pang kumuwala sa kanya dahil gustong balikan ang kanilang magulang pero hindi niya ito binitawan.
“Tayo na, Emerie!”
Pareho silang natigilan nang makarinig na sunod-sunod na putok ng baril na galing sa loob ng kanilang bahay. Sindak ang mga mukha.
“Mama! Papa!” Palahaw ni Emrie.
“Tayo na!”
“Ayaw ko! Babalikan ko sila!”
“Emerie, huwag matigas ang ulo!”
Nakita rin ni Emerie na papunta na sa kinaroroonan nila ang dalawang armadong lalaki kaya nagpatangay na ito sa kanya.
Pareho silang nagpalahaw ng iyak habang tumatakbo. Hindi na ininda kung matusok man sila ng mga damo. Mas lalo silang mapapahamak kung tatahikin pa nila ang daan papunta sa bahay nina Corbin.
Dumeretso lang sila ng kapatid. Kasabay nang pag-alingawngaw ng putok ng baril ay paghabol din sa kanila ng dalawang lalaki. Mabuti na lang at hindi sila tinamaan ng bala.
Humantong sila sa masukal na gubat. Daan na iyon papunta sa falls na dalawang beses pa lang yata niya napuntahan kahit doon na siya lumaki at nagkaisip. Usap-usapan kasi na may nakatirang engkanto doon. Mahirap din ang daan dahil bukod sa mga naglalakihang puno at halaman ay marami pang mga bangin.
Hindi niya kabisado ang lugar kaya natatakot siya na baka magkamali sila ni Emerie at tuluyan na mahulog sa bangin.
Tanging liwanag lang na galing sa kidlat ang nagsisilbi nilang ilaw. Kasabay nang nangangalit na panahon ay ang pagsigaw at tili nila ni Emerie. Pareho silang takot na takot pero kailangan niyang maisalba ang kanilang buhay.
“Ate!” Huminto si Emerie. Pinigilan siya. Tinuro ang nasa unahan nila.
Nang kumidlat ay noon lang niya napagtanto na falls na ang nasa harapan nila. At ilang hakbang na lang ay mahuhulog na sila. Mabuti at napansin iyon ng kapatid.
Mataas ang falls. Sigurado na kapag nahulog sila ay hindi na sila mabubuhay ng kapatid dahil sa pagkalunod.
Wala silang mapagpipilian kundi ang bumalik ngunit nakita nila na paparating na ang dalawang lalaki.
Napayakap na lang sa kanya si Emerie. Naririnig niya ang malakas na iyak nito sa kabila nang malakas na ulan.
Dalawa lang ang pipilian nila. Ang mamatay sa bala o ang tumalon at magbakasali na mabuhay pa.
Nagpaputok ng baril ang dalawang lalaki. Sunod-sunod. Kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Hinawakan niya sa kamay ang kapatid. Bumuwelo para tumalon sa falls.
Tumalon na siya nang bitawan siya ng kapatid. Siya lang ang nahulog sa falls. Sindak siya. Naririnig pa niya ang matinis na sigaw ng kanyang kapatid.
“Ateee!!”
Emerie. . .
Tuliro na ang utak niya. Kasabay nang paghampas nang katawan niya sa tubig ay ang pagtangay din sa kanya nang agos. Nabunggo siya sa mga naglalakihan na mga bato. Sinisikap pa rin niya makaangat para makahinga.
Ngunit tuluyan nang nandilim ang paningin niya nang muli humampass ang katawan niya sa isa pang malaking bato.