“KUMUSTA ang pakiramdam mo?” tanong ni Corbin. Inabot nito sa kanya ang dalang bulaklak. Pagkatapos ay hinalikan siya sa noo.
Iniwas niya ang mukha. “Ano ka ba, baka mahawa ka sa akin.”
“Don’t worry, malakas ang resistansiya ko.”
Umingos siya lang dito.
Kinatok siya sa kwarto ng katulong upang ipaalam sa kanya na nasa sala si Corbin. Hindi niya kayang bumangon kaya sinabihan niya ito na pauwiin na lang ang nobyo. Yes. Pagkatapos ng pinagsaluhan nilang matamis na halik ay inaari na niya ito bilang boyfriend at hindi na ito pwede na makapalag pa.
Marahil ay nagpumilit si Corbin na tingnan siya kaya pinayagan na ito ng katulong na puntahan siya sa kwarto.
“Hindi ka man lang nag-text na masama na pala ang pakiramdam mo.”
“Pasensiya na. Mas gusto ko kasi ipahinga ang katawan ko,” sagot niya. Sinamyo ang bulaklak. “Salamat nga pala rito.”
“Welcome,” anito na nagtangka na hamplusin siya sa pisngi pero pinalo niya ang kamay nito. “Sabing mahahawa ka sa akin.”
Bumuntong-hininga si Corbin. Mabubukas ang frustration sa mukha. “Gusto kitang yakapin.”
“Saka na kapag magaling na ako. Wait lang, umeskapo ka ba?” tanong niya. Alas dos pa lang kasi ng hapon.
“Nag-half day lang ako, boring kapag wala ka. Hindi ako mapakali kaya pinuntahan na kita dito sa bahay niyo,” sagot nito na ginagap ang kamay niya. Masuyong kinintalan ng halik at kinagat pa ang daliri niya.
May ideya ba ito kung ano ang epekto ng ginagawa nito sa kanya?
Bigla lang siyang nakaramdam ng sensasiyon na dumaloy sa bawat himaymay niya. Mas nadagdagan ang init ng kanyang katawan. Hindi man niya nakikita ang kanyang sarili ay sigurado namumula ang pisngi at tenga niya.
Habang ginagawa iyon ay nakakatitig si Corbin sa kanya. Hindi niya alam kung sinasadyang ba nitong gawin iyon para akitin siya..
In fairness, effective. But no. Saka na muna ang lovey dovey kapag magaling na siya. Baka mahawaan niya ito. Mahirap pa naman kapag ito ang magkasakit dahil hindi madali na pumunta sa bahay nito. Walking distance lang naman at welcome na welcome siya. Pero ang tinutukoy niya ay ang dambuhalang aso nito na si Bruno. Ubod ng seloso. Ilang beses na rin siya na tumatambay sa bahay ng mga Ventura at sa tuwing didikit siya kay Corbin ay tatahulan siya ni Bruno. Pinapakita pa sa kanya ang pangil na animo’y lobo.
Competitive siyang tao kaya hindi siya nagpapatalo kahit sa aso. Natatawa nga si Corbin sa kanya dahil niyakakap niya ito at oras na tumingin si Bruno sa kanila ay agad siyang kakalas at umaakto na walang nangyari.
Binawi niya ang kamay niya kay Corbin. “Tigas talaga ng ulo mo ‘no? Paano kung ikaw naman ang magkasakit?”
“Oo na,” sabi nito ngunit kinapa naman ang kanyang noo. “Maiinit ka nga.”
“Siyempre may lagnat.”
“Pupunasan kita. Saan ang bimpo mo?”
Tinuro niya ang cabinet na kulay puti na higit na mas malaki kesa kung ikukupasra sa cabinet ng kanyang bunsong kapatid na si Emerie. Wala ito. Nasa school. Alas kwatro pa ang uwian. Ang mama niya naman ay tumingin sa kanilang farm. Tapos may pupuntahan pa raw na meeting kasama ang mga Councilors.
Hindi alam ng kanyang ina na may lagnatt siya. Naramdaman lang niya na bumukas ang kanilang kwarto ni Emerie para tingnan sila pero hindi na sila nito nakuhang halikan na nakagawian nitong gawin. Malamang nagmamadali ito.
Hinayaan lang niya si Corbin dahil kailangan nga niya magpunas. Epektibo kasi iyon para bumababa ang lagnat. Minsan nga ay hindi na siya umiinom ng gamot at iyon na lang ang ginagawa niya. Ipapahinga lang niya ang kanyang katawan, kinabukasan ay magaling na siya.
“Ito ba?”
“Hindi!” sigaw niya pero huli na ang lahat. Binuksan na ni Corbin ang drawer na pinalalagyan niya ang ng kanyang mga baby bra.
Agad naman iyon isinara ni Corbin. Napahawak sa batok. “Sorry.”
Tinikiran lang niya ito ng mata. “Sa first drawer.”
“Okay.”
Kumuha na ito ng isang bimpo. Lumapit sa kanya. May pigil na ngiti sa labi kaya nagtaka siya.
“Bakit?”
“Cute.”
“Ano’ng cute?”
“Si Hello Kitty,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang isa sa mga disenyo ng kanyang baby bra.
“Punasan mo na nga ako!” asik niya. Masama ang tingin dito.
“Ang cute mo kapag nakasimangot. Pero mas maganda ka kapag nakangiti. Para bang kaya mong pagaanan ang mundo sa simpleng ngiti mo lang.”
“Sus, binola pa ako.”
“Your smile is the brightest, Eliza.”
“Oh siya, tama na ang bolahan.”
“Lalabas lang ako. Kukuha lang ako ng palanggana na may tubig.”
Tumango siya. “Sige, magpatulong kay Ate Christy.”
Lalabas na lang sana ito ng kwarto niya nang matigilan. “Wait lang, nakainom ka na ban g gamot?”
“Hindi ako umiinom ng gamot.”
“Paano ka gagaling niyan?” tanong nito na nagkasalubong ang kilay.
“Gagaling ako kahit sa punas lang.”
“Hindi pwede ang ganyang rason.” Iling nito. Lumabas na ng kwarto.
Dumaan lang ang ilang minuto ay bumalik ito na may dala ng palangga na may laman na tubig. Inilapag lang nito sa kanyang bedside table. Muli na naman lumabas sa kanyang kwarto. Pagbalik ay may dala nang isang basong tubig at gamot.
“Inumin mo muna ito.”
Tinakpan ang bibig.”
“Ayaw mo?” tanong nito. Tinanggal ang kamay niya sa kanyang bibig. Inililapit ang mukha sa kanya. “Sige ka, hahalikan kita. Mahahawa ako sa lagnat mo.”
“Okay, iinumin ko na.”
Binigay nito ang Paracetamol at tubig sa kanya. Pagkatapos inumin iyon, ibibigay na lang sana niya ang baso niya rito ay nabigla siya nang nakawan siya nito ng mabilis na halik sa labi.
“Ang tigas-tigas ng ulo mo!” sabi niya na kinurot ito.
Humiyaw ito pero wala ng nagawa kundi haplusin ang tagiliran.
“Pupunasan na kita,” anitong sumeryoso ang mukha.
“Galit ka?”
“Hindi nga.”
“Alam kong galit ka.”
“Smack lang naman e,” bulong nito.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis. “Sa Velentines day, bibigyan kita ulit ng tunay na halik. Mahaba! Aabutin ng sang oras.”
Bahagyang natigilan si Corbin. Natulala. Pagkaraa’y yumuko. Sumilay lang din ang ngiti sa labi. “Your smile can melt anyone’s heart, did you know that?”
So, kahinaaan pala nito ang ngiti niya. Magawa nga palagi kapag galit ito.
“Punasan na kita.”
Tinanggal nito ang kumot na nakatakip sa kanya. Sinimulan nito sa mukha niya. Then, sa leeg at magkabilang braso niya. Magaan ang pagdantay ng bimpo sa balat niya. Ibig sabihin ay buong suyo at pag-iingat na pinupunasan siya nito.
Hindi naman maalis ang tingin niya kay Corbin. Napakaswerte niya para magkaroon ng boyfriend na bukod sa ubod ng gwapo ay caring at gentleman. Sigurado na marami na gusto siyang sabunutan kapag nalaman ang relasiyon nila.
Wait, Relasiyon?
Hindi pa sila officially mag-On ni Corbin. Dapat na niyang klaruhin ngayon.
“I love you. . .” sabi niya na halos pabulong ngunit sigurado siya na umabot sa pandinig ni Corbin. Yumuko siya. Pinamulahan ng mukha. Nahihiya.
Tila natuka naman ito ng ahas. Nakatingin lang sa kanya na hindi makapaniwala. Hindi makapaninwala nga ba o baka hindi nito nagustuhan ang sinabi niya?
“Sabi ko na e! Ayaw mo sa akin!”
“What? Wala akong sinasabing ganyan.”
“Eh bakit hindi ka nag- I love you too?”
Ngumiti si Corbin. Masuyong hinaplos ang kamay niya. “Hindi lang ako makapagsalita dahil sa labi na kasiyahan. I love you more, Eliza. Alam mo iyan.”
Bumababa ang mukha nito. Balak sanang sakupin ang labi niya pero tinabig niya ito. “Sige, aaminin ko. Gusto ko rin na mahalikan mo. But not now. May sakit ako. Paano kung nahawa ka? Ako pupunta sa bahay mo. Tapos ang aso mong seloso, ha-harass-in ako at – “ Hind na niya naituloy ang sasabihin sapagkat tinakpan ni Corbin ang mukha niya gamit ang bimpo.
“I love you! I love so much! Sige, mag-iingat na ako. Didistansiya ako ng ilang metro pagkatpos kong punasan ka.”
__
“AYAW ko na,” sabi ni Eliza na tinapon ang controller ng play station sa sahig. Naiinis siya. Nakailang round sila pero hindi niya matalo si Corbin sa larong Ace combat.
Sinubukan din nila kanina ang iba pang laro pero lagi siyang talo. Magaling ito. Wala na yatang ibang ginagawa kundi ang tumambay sa kwatrto at maglaro ng mga video games.
Pagkatapos uminom ng gamot at punasan ni Corbin ay agad siyang pinagpawisan. Hindi rin niya namalayan na nakaidlip siya. Paggising niya ay nakita niya ito na nasa study table niya. Sinasagutan ang kanyang assignment. May isang oras rin marahil siya na nakatulog at maginhawa na ang pakiramdam dahil nawala ang lagnat.
Hindi kaagad niya ito pinauwi dahil mas gusto pa niya ito makasama nang mas matagal. Silang dalawa lang sa kwarto pero hanggang yakapan at palitan ng halik sa pisngi ang ginagawa nila. Pareho nilang alam ang limitasiyon nila. Ayaw nilang makagawa ng bagay na pagsisisihan nila sa huli.
Sabi nga ni Corbin, gusto siya nitong iharap sa dambana na malinis at puro. Gosh! Mga bata pa sila pero kasal na ang laman ng utak nito.
Nagkahamunan sila na maglaro ng playstation kaya humantong sila sa malaking playroom nila ni Emerie. Naroon ang doll house ng kanyang kapatid. Pati na lahat ng laruan nito at Barbie dolls na naging koleksiyon na lang dahil unti-unti na itong nagkakaroon ng isip.
May gaming corner din silang dalawa ng kapatid na kompleto sa mga makabagong gagdets. Naroon dn ang koleksiyon niya ng mga anime figures na kinamangha ni Corbin dahil pareho raw sila ng hilig. May isang kwarto raw ito na puno ng mga anime collectibles.
“Suko ka na?” tanong ni Corbin.
“Magpatalo ka kasi!”
“O sige.”
“Ayaw ko na. Manood na lang tayo ng movie.”
Lumipat siya sa mini theater nila ni Emerie. Nagsalang ng VCD. Cinderella. Pagkatapos ay umupo sa sofa. Nang tumabi sa kanya si Corbin ay humilig siya sa balikat nito.
Panay ang fastfoward niya lalo kung scene na ng wicked stepmother. Naalala kasi niya ang pagganap niya sa character na iyon. At naiinis siya kapag pumapasok sa utak niya kung gaano kaganda si Catherine noong araw na iyon.
“Nagagandahan ka ba kay Catherine?” tanong niya.
“Sakto lang.”
“Panget kaya niya. Ew!” sabi niya na humalukipkip. Sa totoo lang, maganda ang kanyang kaklase. Pintasera lang talaga siya. Idagdag pa na nilalamon siya ng selos.
“May hitsura si Catherine.”
Matalim niyang tinitigan si Corbin. “Ano ang sabi mo?”
“Siyempre, mas maganda ka,” malambing na wika nito na hinalikan sa noo. “Wala bang action movie diyan.”
“Mayroon akong isa. Naked weapon ang title. Tinago ko dahil may eksena hindi pwede sa mga bata. Baka mapanood ni Emerie.”
“So, ikaw pinanood mo?”
“Hoy! F-in-astforward ko iyong malaswang scene ‘no!” Totoo ang sinasabi niya. Sobrang nagustuhan kasi niya ang kwento at intense na fight scene. Hanggang sa pagtulog niya ay napaginipan nga niya na siya ang bidang babae na magaling magkarate at humawak ng baril.
“Alright, naniniwala na ako.”
“Huwag na lang pala natin panoorin. Mahirap na.”
Tumango naman si Corbin. Na-gets ang ibig niyang sabihin.
“Pagtiisin mo na lang si Cinderella, total may Cinderella ka sa totoong buhay.”
“Ihinto mo na ang pagseselos kay Catherine.”
“Asa ka pa na nagseselos ako!” asik niya pero bumalik sa pagkakahilig sa balikat nito. Pinagsalikop naman nito ang kamay nila.
Wala ng nagawa si Corbin kundi ang manood. Nasa ending na nang magkaroon ng kissing scene sina Cinderella at Prince Charming. Usually, namimilipit siya sa kilig sa scene na iyon pero hindi ngayon.
“Nasasayangan ka ‘no? Wala kasi kayong kissing scene ni Catherine.”
“Oo nga sayang,” sabi nito.
“Ano ang sabi mo?”
Ngumisi lang ito. Sa inis niya ay bigla niya itong pinagkukurot. Panay naman ang iwas nito kaya dinaganan na niya ito pero dumulas ang paa niya sa tuhod nito. Bago pa siya mahulog sa sofa ay nahila na siya nito dahilan upang magkauntugan sila ng noo.
Pero balewala sa kanila ang sakit. Walang makagalawa sa kanilang dalawa. Nagtitigan lang. Nakita niya ang paggalaw ng adam’s apple ni Corbin nang lumipat ang mata nito sa labi niya.
Kinabahan siya pero sinikap niya na mapanatili ang katinuaan. Lalo na nang mapagtanto ang posisyon nila na halos na nakandong na siya rito.
“Sorry. . .” sabi niya. Umayos ng upo ngunit laking gulat niya nang hinila siya ni Corbin. Hinalikan. Mabilis lang naman. Parang smack lang. Agad din siyang binitawan.
Napangiti siya. Hindi talaga ito nakakalimot sa limitasiyon nilang dalawa.
“Thank you, Corbin.”