Aegia Haven Pagdating ko ng Palawan ay dumaan na muna ako sa isang mall at nagpalit ng anyo ko, bilang si Alleigh. Hindi ko pwedeng ipakilala sa pamilya ko at sa mga kapitbahay si Aegia—para na rin sa privacy ko, at higit sa lahat, para sa kaligtasan ng trabaho kong hindi pwedeng ipangalandakan sa mundo. Namili na rin ako ng pasalubong para kay Nanay—damit, tsinelas, sapatos, ilang paborito niyang biskwit, kape, gatas, at ilang gamot na naalala kong palagi niyang iniinom noon. Dinagdagan ko na rin ng groceries—bigas, de-lata, at ilang prutas na sigurado akong matagal na niyang hindi natitikman. Isinakay ko silang lahat sa taxi bago bumiyahe patungo sa bahay kung saan ako isinilang at lumaki. Tahimik ang buong biyahe ko habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang pamilyar na lugar