Aegia Haven "Sino ang totoo kong ama?" diretsahan ko nang tanong kay Nanay matapos naming kumain. "At bakit naglihim kayo sa akin?" Naririto kami sa isang restaurant sa airport. Nakabili na ako ng ticket namin papuntang Maynila, at naghihintay na lamang ng oras ng boarding. Nakapagpalit na rin ako ng anyo ko at maayos na rin ang bihis ni Nanay. Buhok ko pa lang ang naitanong niya sa akin kanina sa restroom, at wala pa siyang alam sa totoong gender ko ngayon. "Ayaw ko lang malaman mo, na minsan akong naging pakawalang babae noon para lang mabuhay ... kami ng lola mo," mahinang sagot niya habang nakayuko ang ulo. "At ayaw ko ring lumaki kang nakatatak sa isip mo na may kulang sa'yo. Na 'di ka katulad ng iba na may kumpletong pamilya." "Pero hindi rin naman tayo naging masaya," I quickl