Aegia Haven Sumakay kami sa isang prisoner van na siyang maghahatid sa amin patungo sa kulungan. Ipinadala ito ng Intelligence Officer ni General, at isang mapagkakatiwalaang police officer ang nagmamaneho, kasama ang isa pa na nakaupo sa tabi niya sa unahan. Unang inihatid sina Glecy at Empress sa Women’s Detention Facility, bago kami dinala sa Bilibid Maximum Security Facility. Magkatabi lang ang mga gusaling ito. Napag-aralan na rin namin ang layout ng two facilities, kaya kabisado na namin ang bawat passage at route sa pagitan ng mga ito—except for any secret or illegal tunnels made by inmates—kung mayroon man, lalo na ng mga gustong tumakas o sangkot sa mga aktibidad tulad ng bentahan ng droga at iba pa. At 'yon ang aalamin namin ngayon. Pagdating namin sa loob ay agad kaming pi