Aegia Haven "Whatever waits for us behind those walls, remember—we're not going in alone. You've got a team, and you've got what it takes. Good luck, Delta!" panghuling saad sa aming lahat ni Glecy bago kami sabay-sabay na tumayo at sumaludo sa kanya. Naipaliwanag na niya ang buong plano, kabilang na ang ilang pagbabago sa mga role, lalo na't ipinilit talaga ni Silver na magkasama kami bilang mga inmate sa loob ng bilibid. Kinuha niya si JohnLord Clarkson, isa sa mga agent ng Betha, bilang pamalit niya sa medical unit. Mauunang pumasok sa loob ang mga bagong gaganap bilang security officers—si Andrei, na itatalaga sa supply room. Si Skipper, para sa women's facility. At si Blaze, para sa bilibid, kung saan makakasama namin siya. Sina Glecy at Empress naman ang papasok bilang mga inmat