THIRD PERSON'S POV Nangibabaw ang malakas na tunog ng alarm clock mula sa cellphone ni Silver sa buong silid. Nagising siyang bigla sa gulat. Gumalaw ang mga balikat niya. Gumapang paakyat patungo sa bedside table ang kamay niya at kinapa doon ang cellphone. Agad din naman niya itong dinampot at pinatay kahit hindi tinitingnan. Nananatiling nakasara ang kanyang mga mata. Muling tumahimik ang buong paligid. Binitawan ni Silver ang cellphone at muling gumapang ang kamay sa tabi niya, na tila may hinahanap. Ngunit nang wala siyang mahawakan ay doon na dumilat ang mga mata niya at tumingin sa paligid at kama. "Alleigh?" tawag niya, ngunit nanatili pa rin ang katahimikan sa buong silid. Sumilip siya sa orasan niyang nakapatong sa bedside table. Alas kuwatro na ng madaling araw, pero ramda